LUMAYO sa amin ang iba naming mga kasama sa silid, bumuo sila ng bilog at naiwan kami ni Tam sa gitna. Nakatingin pa rin ako kay Kuya Dante . Diretso pa rin ang kanyang tingin at seryoso ang mukha. Samantalang ako, tinitingnan ko siya nang may pagmamakaawa. I don’t want to fight Tam nor even hurt her. But honestly, I have never been in a fight. I’m actually a bit scared and nervous. “Shana… do you know how to fight?” pabulong na tanong ni Tam sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Tam, this isn’t right. I’m not gonna fight you.” Alam ko kung paano ang makipaglaban. My dad taught me how. Pero tinuruan niya ako lumaban para maipagtanggol ko ang sarili ko. Hindi para makapanakit ng iba. “If you guys won’t fight, then you better leave this place at once and never come back!” b

