INABOT ako ng gabi sa pagbisita kay Tam kaya’t nag-alok si Lola Misha na itawag ako ng taxi. Nakauwi naman ako nang ligtas matapos ang ilang minutong biyahe. “I’m home!” bungad ko. “O, Anak… ang aga mo yata?” Nagulat ako sa tanong ni Mama. Naisip ko lang, gano’n na ba ako ka-late umuwi palagi kaya’t nagtataka siya na maaga ako? “Uhm... may sakit kasi si Tam kaya’t wala kami masyadong nagawa pagkatapos naming dumalaw sa burol ni Mayor.” “A, kaya pala. Sana gumaling siya agad,” sagot ni Mama. “Hello, ate!” Sinalubong naman ako ni Erin at nagpakarga siya sa akin. “Siya nga pala Ma, may trabaho pa rin ako. Uhm bale... kinuha akong secretary ni Ms. Clea Franco. Mabait din po siya katulad ni Mayor Hera,” sambit ko. “Magandang balita ‘yan, Anak! Teka, siya ‘yong may-ari ng mall, ‘di

