BUMALIK kami sa sasakyan ni Luc at muling bumiyahe papunta sa Casino Verdant. Sino kaya ang mga kaalyado ni Victor? I’m having a bad feeling about this. “Kat, what’s the plan?” tanong ni Luc kay Ate Kat habang nagmamaneho. “We will stick to our strategy,” sagot naman ni Ate Kat. “That casino is full of vampires, so let’s not put our guard down.” “Ely, ang galing mo kanina, a. Ang dali mong natalo ‘yong mga vampires. Paano mo nagwa ‘yon?” tanong ko. Hindi sumagot si Ely, ngunit hinugot niya nang kaunti ang kanyang katana mula sa lalagyan nito at ipinakita niya sa akin ang blade nito. “Whoa! Is that silver?” mangha kong tanong. Hindi sumagot si Ely at itinago muli ang kanyang katana. Nabaling naman ang atensyon ko kay Tam na nakatingin sa kanyang phone habang nakangiti at tila may k

