“HI, ASH!” pagbati ko sa kanya. Nagtago naman si Tam sa likod ko nang makita niya si Ash. “Sino nga pala ‘yang kasama mo?” tanong ni Ash habang nakangisi at sinisilip si Tam. Hinatak ko naman si Tam sa harap ko. “Si Tam nga pala. Bestfriend ko.” Tam cleared her throat. Iniba din niya ang kanyang boses para siyang nagkunwaring... tomboy. “Hi pare, Tam nga pala. Tam Raymundo.” Tumatango-tango pa si Tam nang sambitin niya iyon. Parang nagkukunwaring astig. “Ay, pare pala. Kala ko chicks na. What’s up, pare? Ash Franco nga pala.” Nakipagkamay si Ash kay Tam ngunit... “Fist bump na lang pare,” sambit ni Tam, still on her boyish voice. Napangiti naman si Ash at nag-fist bump sila. Si Tam naman kahit nagkukunwaring tomboy ay hindi pa rin makatingin kay Ash. “Sakay na kayo, girls. Magyoyos

