CHAPTER 3

1053 Words
"Ako rin naman pre, matik yan pag-uwi ko! Para nga akong santo kapag nakikita ako ng misis ko, hulaan mo kung bakit?" Tanong ni Midnight DJ kay DJ Lagim. "Kasi palagi ka niyang niluluhuran!" Sagot ni DJ Lagim. "Hoy mga balasubas kayo diyan! Nakikita niyo na nasa harap tayo ng pagkain eh!" Pagsasaway ni Aira sa dalawang greenminded na DJ. "Pero seryoso ako mga DJs' maraming salamat kasi kayo ang sumasalba sa kumpanya natin. Kung wala kayo ay hindi ako mayaman, este wala rin naman ako dito! At sana talaga ay hindi pa huli ang lahat para sa kumpanya natin!" Madamdaming sabi ni Larry. "Wala yun sir! Actually mabait ka naman po kaya tumagal kami rito sa company!" Saad ni Bell. "Kaya ipagdasal natin na magbago ang ihip ng hangin at dapuan tayo ng swerte!" Sabi ni Larry sabay ngiti. Matapos nilang kumain ay masaya silang nagtungo sa Resto Bar para tumungga ng alak at kumanta hanggang abutin na sila nang hating gabi. Kinabukasan, hindi nakapasok sila DJ Bell, DJ Lagim at Midnight DJ dahil may amats parin silang tatlo. Halos sila kasi ang umubos ng dalawang case ng beer samantalang kwentuhan lang ang ginawa ni DJ Aira at Larry. Kaya kahit na pagod si Aira, wala siyang magawa kung hindi ang palitan muna ang mga walang DJs. Hindi naman niya inaasahan na ang gabi na ito ay ang simula ng pagbangon ng kanilang kumpanya. "Okay, mga avid listeners ko welcome again sa akin programa. Pagpasensyahan niyo dahil ako pa rin ang makakasama ninyo sa gabing ito. At kung kaka tune in mo lang at wala kang ideya, kanina pa ako naka duty sapagkat wala ang iba naming mga DJs ngayon. Pinatulog sila nang mahimbing ng alak kagabi kasi nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan. Siyempre para hindi lang puro trabaho kailangan din namin uminom paminsan minsan. Kaya ikaw millenial na nakikinig, wag kang gagaya sa amin kasi hindi hamak na mas matanda kami sayo no! Bago natin kausapin ang ating caller ay gusto ko munang pasalamatan ang aming producer na si Sir Larry na pumili ng ating caller for today!" Uminom si Aira ng tubig at tsaka kinausap ang caller, "hello caller. Magandang araw sayo!" "Hello po DJ Aira! Maraming salamat po sa pagsagot ninyo sa tawag ko!" "Nakikinig kaba iho? Hindi nga ako ang pumili ng caller for today! Sa producer ka magpasalamat!" Pagsusungit ni DJ Aira. "Napatawag lang po ako kasi may matindi po akong problema!" Malumanay na sabi ng caller. "Ano yun iho?" Tanong ni DJ Aira. "Ang problema ko po ay kung paano magiging tayo!" Napahinto saglit si DJ Aira sa kanyang narinig, hindi siya sigurado kung ano ang nais ipahiwatig sa kanya ng lalaki kaya naman ay tinanong niya ito ulit. "Teka lang iho, ano ba ang ibig mong sabihin na maging tayo?" "Ang ibig ko pong sabihin, gusto ko po makipag date sa inyo para mapatunayan na ang mga millennials ay hindi mayroon paring respeto at pagmamahal sa kapwa. Masunurin din kami at masipag sa gawaing bahay!" Naging seryoso ang mukha ni DJ Aira sa sinabi sa kanya ng binata, "eh ano naman ngayon kung isa kang millennial? Akala ko ba lumipat na kayo ng istasyon at mag-isang nagtatyaga si Leonora sa panenermon ko sa inyo?" "Kaya nga po gusto kong makipag date sa inyo para mapatunayan ko lang po na hindi lang ako puro salita! By the way tawagin niyo na lang po ako sa alias na 'Mr. Stranger,' single at ready to mingle, 22 years old at nakatira sa Manila!" "Wow so masaya ka na niyan Mr. Stranger? Wala ka bang pagkakaabalahan sa buhay? Batugan ka siguro at pabigat sa lipunan!" "Makipagdate ka na kasi sa akin para meron!" Lakas loob na sabi ng binata. "Pagod ako iho and besides, marami pang tao ang kailangang kumausap sa akin. Puwede mo nang ibaba ang telepono kasi baka maunahan kita kapag mabagal ka!" "Ayaw ko po DJ Aira. Hanggat hindi ka po pumapayag sa gusto ko hindi ko ibaba ang telepono!" Pagmamatigas ng caller. Hindi na nakapagtimpi pa si DJ Aira at binulyawan niya ang kanyang caller na matigas ang ulo. "HOY ISTUPIDONG MILLENNIAL, PAGOD NA AKO SA MAGHAPONG DUTY TAPOS DADAGDAG KA PANG HAYOP KA! KUNG NANDITO KA LANG SA AMING ISTASYON, BAKA NASAKAL NA KITA NG WALANG PAG-AALINLANGAN!" "Ang sungit sungit niyo naman po, DJ Aira! Mas lalo ko pa tuloy kayo nagugustuhan hehehe!" "CHEH! Matanda na ako iho at malapit nang kumupas ang ganda ko. Kung gusto mo magkaroon ng syota, humanap ka ng kaedad mong magtitiis sa magaspang mong ugali! Pangit ka siguro kaya desperado kang pumatos ng kagaya ko or hindi kaya naghahanap ka ng sugar mommy mo!" "Hindi naman po sa naghahanap ako nang sugar mommy at lalong hindi po ako panget, sa katunayan ako nga ang crush ng mga kababaihan sa lugar namin. Kaya lang ang gusto ko po kasing makarelasyon eh yung medyo matanda po sa akin kasi malawak po ang pang unawa!" Dahil sa inis, pinutol ni Aira ang linya ng binata at nag break muna pansamanta. Lumapit si Larry sa kanya at masayang ibinalita nito na nagtrend bigla ang kanyang programa sa social media websites. "Hoy, Aira nag trend sa social media! Ngayon mo lang yan naranasan sa loob ng 20 years mo sa industriyang ito!" Medyo highblood pa rin si Aira sa lalaking nakausap niya kaya medyo nasupladuhan niya ang kanyang boss. "Hay nako, wala akong time sa social media na yan! Nakakainis yung caller ko kanina, sabog na sabog siya at walang kwenta ang pinagsasabi!" "Hayaan mo na kung walang kwenta ang pinagsasabi niya. Who knows kung siya pala ang susi para sumigla ulit ang ating korporasyon!" "Ah basta ako, hindi na pwedeng makipagdate lalung lalo na sa isang lalaki na hindi ko naman nakikita. Eh wala naman akong pakialam sa social media nayan! Aksaya lang yan sa panahon ko eh!" Patuloy na pagsusungit ni Aira. Ayaw nang makipagtalo ni Larry kay Aira kaya naman ay hindi siya sumabay sa init ng ulo nito. "Sige, pwede ka nang magpahinga. Bukas papasok na ang ibang mga DJs' dahil kapag hindi, hahanap tayo kaagad ng kapalit! Alam naman nila na hindi pwede ang ginawa nila, tingnan mo ikaw tuloy ang kawawa Aira!" Ipinagtanggol ni Aira ang kanyang mga katrabaho kahiy pa madalas siyang tuksuhin ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD