Andrei's POV
Kapwa namin hinila ni Alex si Nickolo na tuluyan na yatang magwawalk-out, buti nalang at nahabol pa namin siya sa hallway. Para siyang nakakita ng multo kanina, pero ayaw namang magsalita kung bakit, kaya’t kinukulit namin siya ngayon.
“Anong nangyayari bro? Ba’t ka aalis? Naka-usap moba ‘yong crush mo sa loob? Nabasted ka siguro no? kaya ka nagkakaganyan,” pang-aalaska ni Alex.
“Shut up Lex!” Pabalang na sagot ni Nickolo.
“Aa… alam ko na! Nalaman niya sigurong ini-stalk mo siya, kaya bumabahag buntot mo ngayon, kasi hindi ka pa handa na malaman niya na crush na crush mo siya,” si Alex parin na unti-unti ng tumatawa.
“Pinagsasabi mo diyan!” Nagsimula ng mainis si Nickolo.
“Idedeny mo pa, diba crush mo naman talaga yon?” Giit ni Alex.
“Sandali, sandali…” awat ko habang pumagitna sa kanilang dalawa. “Sino bang tinutukoy mo?” Habang nakatoon ang mata ko kay Alex. “tsaka, ba’t wala akong alam? Ha?” Dagdag ko pang tanong.
“Isa pa’to!” Sabay baling ni Alex sa akin, pagkatapos ay muling tumingin kay Nick. “Yong babaeng naka pink na gown? Di ba crush mo ‘yon?” Nanlaki ang mga mata niya habang nagsasalita. “Di ba pinagtulakan ka na nga namin sa kanya kanina? Pero panay parin ang pakipot mo,” si Alex na ayaw parin magpaawat, habang hindi na maipinta ang itsura ng mukha ni Nick.
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo as I try to remember that incident. Naaalala ko naman ang tagpong ‘yon, pero hindi ko na siya masyadong namukhaan, I mean… the girl she’s talking about. “Hoy! Itinulak mo ako,” I elbowed him, “kaya naitulak ko rin siya, it wasn’t intentional on my part though…” pagkaklaro ko.
“Yon din yon!” Giit ni Alex kaya’t umiling na lamang ako. Now I got curious about her, pero bakit ayaw umamin ni Nick? At tila napakababaw naman yatang dahilan ‘yon para magwalk-out siya. Inakbayan ko siya at inilayo ng konti kay Alex, “Care to explain bro? gano’n ba katindi ‘yong impact ng babaeng ‘yon sa’yo at nagkakaganyan kana ngayon?”
“Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasabi niyan!” Eyeing Alex. “But you wouldn’t understand Drei, kaya hayaan niyo nalang ako puwede?” pabalang niyang sagot.
“Kasi nga, hindi mo pinapaintindi. At ano? Tatanggapin mo na lang with open arms ang 2 points na ibabawas sa final grade mo? Don’t you think it’s a bit unfair? Nagsunog ka ng kilay, ta’s ganito lang mangyayari?” me trying to put some logic. “Eh di sana, nagsakit-sakitan ka na lang kahapon, so you could at least be exempted. Hindi ka naman siguro mababawasan ng points kapag gano’n,” dagdag ko pang sinabi.
Kumunot ang kanyang noo. “A rule is a rule Drei! At hindi ‘yon puwedeng baliin ng basta basta nalang. It will jeopardized the organization’s reputation. Baka wala ng maniwala sa kanila sa susunod, kaya imposible ‘yang sinasabi mo.”
“Then, the more na dapat na tayong bumalik do’n,” giit ko sabay lingon kay Alexandro. I signaled for him to come nearer. Kaagad naman siyang lumapit at pinagtulungan naming si Nickolo.
“Ayoko nga…” nagpupumiglas parin si Nick no’ng hinila namin siya pabalik sa venue.
“Ano ba!”
“Bakit nga kasi? Hindi ka talaga namin titigilan hangga’t hindi mo pinapaliwanag ang lahat,” si Alexandro na nagsisimula naring mainis.
“Okay, okay!” nagtaas ng kamay si Nick. “Ipapaliwanag ko na…” aniya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alex.
“May nakita ako sa loob, and… “ he deeply sigh. Ano’ng problema ng taong ‘to? Di ko mapigilang itanong sa sarili.
“And I don’t want to ruin her night, as well as also mine, kaya mas mabuti pang umalis na lang ako, ” isang maikling paliwanag na hindi ko parin lubos na naiintindihan.
“Sabin na nga ba eh! Isang tao ang dahilan, ‘yon nga lang… hindi ‘yong tinutukoy kong crush mo. Ano? may nakaaway ka sa loob?” si Alex na ngayon ay nagkakamot ng ulo.
“Wait a sec… “ kumunot ang aking noo. “Sinong nakita mo?”
Sandali siyang tumahimik, ayaw na namang magsalita.
“Si… ‘yong babae sa junior building,” he almost whispered it.
Napalunok si Alex. “Anak ng… sa lahat ng puwede mong makita, siya pa talaga? Meant to Be…” he smirked.
“Meant to be, pinagsasabi mo! And yes, I saw her. And she saw me, and… and she glared at me bro, nanlilisik ‘yong mga mata. Ikaw kasi!” pointing to Alex.
“Ako? Bakit ako? Ikaw kaya ‘tong lagi siyang pinagtatawanan…” Alex muttered.
“I didn’t laugh at her!” Nick raised his voice.
“No’ng una, Oo! Pero no’ng pangalawa… ewan, di ko na masabi,” umismid siya.
My brows furrowed once more. “Anong pangalawa? What the hell happened again? May hindi na naman ba ako nalaman? Ikaw talaga Lex… Ano na naman ba ang ginawa mo?” pinagtuturo ko siya.
“Whoa! Sandali… ba’t ako?” napaatras siya habang nakataas ang dalawang palad. “Kasalanan ko ba kung sadyang rumurupok si itong Nickolo ‘pag kasama ako?” lumunok siya. “At kasalanan ko rin ba kung laging nando’n ang babaeng ‘yon sa tuwing humahalakhak si Nick?”
What the… tinampal ko ang aking noo. So nagkaro’n nga ng part 2 ang eksenang ‘yon? Ang suwerte naman ni Nickolo! Kahit kelan pahamak talaga ‘tong si Alex. Pa’no na ngayon ‘to?
“Ano ng plano ngayon Drei? Babalik pa ba tayo sa loob?” may pag-aalinlangan na sa boses ni Alex. Bumabahag narin ba buntot niya?
“Siyempre!” Walang kagatol-gatol kong sinabi.
“Pero…” Alex almost protested ng biglang may umalingawngaw na boses sa ere.
“There you are guys!” Patricia snap her fingers on. “I’ve been looking for you! Sa loob ang party at hindi dito,” deklara niya.
“Uh! Trish… k-kasi… Ano…” Nick stuttered.
“Ano?” pinandilatan niya kami ng mata, habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.
“No excuses please… nagpe- pairing na ‘yong iba sa loob, and don’t you dare ruin my reputation. Alam ng lahat na magkakabarkada tayo, kaya wag niyo akong ipahiya. Understood?” Kapwa kami nagkatinginan, ngunit tila walang gustong magsalita.
“And I also want you guys to meet my newly found friends, kaya ‘wag na kayong mag-inarte, okay?“ ani Patricia.
Muli kaming nagkatinginang tatlo. Maybe this a good way to divert Nick’s attention.
Walang pasubaling sumunod kami kay Patricia. Little did we know ang mga babaeng 'yon pala ang tinutukoy ni Patricia na newly found friends.
"Mauna ka na, mauna ka na..." muli na namang nagtutulakan sina Alex at Niko, samantalang napako ang mga mata ko sa isang babaeng naka pink na gown di kalayuan sa amin. With one look at her, alam ko na siya ang sinasabing crush ni Niko. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Yeah, she's pretty! But too plain for me. Definitely not my kind of girl. Masyado pang halata 'yong padding sa gown niya. Not that I'm rude, but I just kinda hate the idea. I don't understand why some girls had to make such effort. Why pretend to have those assets when they actually don't have. I want someone who's confident enough to carry herself well, someone who could embrace her flaws and gracefully stand in the midst of the crowd. After all, wala namang perfect sa mundo.
Pero sandali... Why do I sounded like this is all about me now? when it is actually Niko that we were talking about. Tingin ko rin mukha namang bagay silang dalawa. Not my type sabi ko, pero sa totoo lang, kanina ko pa siya pinagmamasdan. Hindi ko rin talaga naiintindihan ang sarili kung minsan. At sa sobrang abala ay hindi ko na namalayan na mag-isa nalang akong naglalakad sa gitna ng bulwagan. Nauna na si Patricia sa'kin to approach the girls na ipapakilala nya raw. Wala narin ang dalawang lalakeng kasa-kasama ko sa pagpasok. Anak nang... Sa'n sila nagpunta? Lumingon-lingon ako sa paligid.
Dinukot ko ang phone sa loob ng aking bulsa nong hindi ko sila mahanap. Isang kaperasong papel ang kumawala sa aking bulsa, kasabay ng aking phone. Nalaglag ito sa sahig kaya kaagad kong dinampot. Ito 'yong papel na may nakasulat na pangalan ng aming makakapareha. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Hindi ito 'yong pangalan ng nabunot ko, I swear. Pa'nong nangyari na napunta ito sa loob ng aking bulsa? Nasa'n yong sa'kin? Kakapain ko na sana 'yong isa ko pang bulsa, ngunit kaagad na dumating si Patricia. Inagaw niya ang kaperasong papel na nasa aking kamay.
"Mikaela Fuentes," binasa niya ng malakas sa harap ng maraming tao. "Ow! So ikaw 'yong hinahanap ko. If I only had known." She smirked, sabay hila sa akin.
In just a blink of an eye ay nasa harapan ko na yong babaeng nagmamay-ari ng naturang pangalan. Ngunit sino sa kanila? I flashed on a smile to the lady in a pink tube gown. Isang pilit na ngiti ang isinukli niya sa akin. Ang sungit-sungit lang. But never mind, I don't have intensions of getting close to her. Na curious lang ako kanina. But I have to admit na mas maganda siya sa malapitan. However, it still doesn't change my opinion.
Kaagad akong napalingon sa kabilang side nong magsalita si Patricia. "Drei, meet your prom date, Mia Saldivar Fuentes. A.k.a. Mikaela Fuentes." Napaawang ang aking bibig when I realized who this girl is... ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit biglang nag disappear si Niko at Alex. Gusto ko tuloy magmura. Pahamak 'yong dalawang 'yon, ako pa sinangkalan. But I was caught holding that piece of paper, kaya paninindigan ko na lang. Might as well, kilalanin narin yong babaeng nagpalabas ng samo't saring emosyon ni Niko.
"Mia, this is Andrei, a good friend of mine, and a true gentlemen, I suppose..." Anong klaseng introduction yon? Patricia talaga! I wanted to protest ngunit pinandilatan niya ako ng mata as if giving me signals to act like one. Kaya hindi na ako kumibo pa. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Mia, tipong hindi convinced. Pero keri lang... I have all night to prove to her na mabuti akong tao, na misunderstanding lang 'yong nangyari sa kanila ni Niko.
As far as I can remember, makailang beses akong tinarayan ni Mia nong gabing 'yon. Nagmarka kasi talaga 'yong ginawa ni Niko sa kanya, at pati kay Alex ay galit din siya. Buti nalang hindi ako masyadong nagreact no'n, kaya lumambot din siya kalaunan. Or should I say... nadala ng charm ko, haha.
Later that night ay nalaman ko na kagagawan ni Alex ang lahat, pasekreto niyang inilagay sa bulsa ko papel na'yon at binigay niya kay Niko 'yong sa kanya, umexit narin siya after. Sumama 'yong tiyan sa sobrang tense kaya napakiusapan namin 'yong organizer na i reconsider ang pagbabawas ng points. Ang naging ending is walang partner si Gwyn. I feel so sorry for her that night, I was suppose to be her partner, but things got complicated and so it didn't end well for us.
On my part, I suppose... kasi tingin ko naman mukhang mas nag-enjoy pa siya na walang kapareha. Kaya ba wala siyang masyadong naging dating sakin, kasi napilitan lang siyang umattend at magsuot ng gown na hindi niya talaga gusto? Hmmm... I wonder how she look like kapag hindi pinilit, kapag kusa niyang ginusto. I become more curious about her now. I have to get to know her better. Magiging magkaibigan din kami, gustuhin man niya o hindi. Isang pangako na aking binitawan nong gabing yon.