SHANNEN'S POV Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Oo alam ko ang tungkol sa aksidente ni Safarah pero wala akong alam tungkol sa relasyon nila ng kakambal ko. "Balae, pasensiya na kayo kay Safarah. Siguro may konting tampuhan lang ang dalawang 'yon." Narinig ko pang sabi ng Mama ni Safarah. "Naku! Ayos lang iyon. May susunod pa namang araw para mapag-usapan ang tungkol sa kasal nila." Tugon ni Mommy. Talaga pa lang si Chardie ang naka-arrange kay Safarah. How I wish ako na lang. Promise I will take care of Safarah. Bagay na hindi nagawa ni Chardie noon. "Senyora! Senyora!" Humahangos ang guard na papunta sa kinaroroonan namin. "O bakit? Anong nangyari?" Biglang nabalot ng kaba ang puso ng bawat isa sa amin dahil sa itsura ng guard habang hawak nito ang kanyang b**

