CHARDIE'S POV Kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng mga katiwala ng marinig nilang tumatawag ako mula sa labas. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan ng makasalubong ko si Shannen. "Anong nangyari kay Farah?" Pero himbis na sumagot ay nagdire-deretso lang ako na umakyat at pumasok sa loob ng kwarto. Inihiga ko ang basang katawan ni Safarah sa sahig at kaagad kinontak si Dr. Lee. "Dr. Lee, I need you here now!" Utos ko sa kanya at agad din naman siyang sumagot na pupunta siya. "Safarah, bakit ka ba kasi nagpapaulan?" Para akong tangang kinakausap ang alam ko namang hindi sasagot. Kumuha ako ng T-Shirt mula sa Closet ko at Pajama na tingin ko ay kasya naman sa kanya. Tinakluban ko naman siya ng kumot bago ko siya sinimulang hubaran para mabihisan. Hindi naman ako kagaya

