Kabanata 13

1149 Words
Nanatili akong nakatitig sa singsing na mayroong pulang diyamante, ang Ace of the Uzumaki Ring. Sigurado ako na ito yung nakuha ko noon na ibinigay ko kay Teacher Hiro noong nag-desisyon ako na hindi ko itutuloy ang karera ko bilang isang ninja. Iba't ibang klase ang mga singsing na ibinibigay kada taon at paaralan, but this ring was mine. Nag-iisa lang ito sa buong mundo ng mga ninja. "Akira," narinig kong pagtawag sa akin ni Niklaus. Hindi ako lumingon sa kanya, bagkus ay nanatili akong nakatitig sa display. Bago ko pa napigilan ang sarili ko, kusang gumalaw ang aking kanang kamay at saka buong pwersang sinuntok ang babasaging kahon na nagkukulong sa singsing. Nabasag ang salamin na nagsagawa ng agaw-atensyon na ingay dahilan upang matigilan ang lahat ng tao sa kanya-kanya nilang pag-iikot at napalingon sa direksyon ko. Nagdurugo ang aking mga daliri sa kamay nang dahil sa mga tumamang basag na salamin sa aking kamay. I shoved the shards of glass that was in the way, at wala na akong sinayang na panahon. Kinuha ko ang singsing na alam ko sa sarili ko na pagmamay-ari ko. Alam ko na what I did was crazy given na gusto ko lang mamuhay ng low profile, malayo sa mundo ng mga ninja. I must have gone insane and lost my shiz at that moment. "Akira, what—" Hindi na naituloy ni Domino ang sasabihin niya nang mayroong biglang humila sa aking braso upang tulungan akong lisanin na ang lugar. Kasabay no'n ay ang pagpasok ng mga guwardiya na nakabantay sa labas upang tingnan kung ano ang nangyari at kung sino ang salarin. "You've really lost my mind," rinig kong bulong sa akin ni Niklaus. Hindi naman niya ako matatago, anyway. Duguan ang isang kamay ko at pumapatak ang dugo sa sahig na siyang magbibigay ng trace para masundan ng mga guwardiya kung saan kami tutungo. Isa pa, the museum is not even that big. "Yeah..." tanging nasambit ko. Nakatingin lang ako sa singsing na nasa palad ko habang kinakaladkad ako ni Niklaus sa hindi ko alam kung saan. "I should've just stolen it at night, don't you think?" dagdag ko pa dahilan upang mapahalakhak siya nang mahina. "You haven't changed at all, Akira. Have you been suppressing this side of you all these years?" hindi makapaniwala niyang tanong. I chuckled. I must be a bit drunk from all the emotions that suddenly rushed onto me that I was caught off guard, accidentally blew my mask. "Yeah," pag-amin ko. Nang iangat ko ang tingin ko upang malaman kung ano na ang nangyayari sa paligid habang kinakaladkad pa rin ako ni Niklaus, napataas ang mga kilay ko nang makitang kanina pa kami pinaghahabol ng limang guwardiya rito sa loob... at pilit naman akong tinatakbo ni Niklaus upang hindi ako mahuli. What's the point, though? Ang mga estudyante na dapat ay nagtitingin-tingin lang dito sa paligid, biglang nagtakbuhan palabas nang makita ang sitwasyon. Ginulo namin ang buong museo... and this will become a hot news around the campus, I'm sure. "Can't we just surrender?" hinihingal kong tanong kay Niklaus. Sa tagal kong walang pagsasanay, mas madali na akong mapagod at hingalin. Unlike Niklaus sa sobrang bilis pa ring kumilos at parang hindi napapagod. "We will, but they should suffer first," bulong niya sa 'kin. Kahit kanina pa kami naghahabulan dito, hindi nila kami maabutan kahit pa madami sila sapagkat iniiwasan nilang makabasag sa mga display na nakaharang. "We'll stop if they finally use their brains to capture us," dagdag pa niya. Niklaus is playful as always, although I could say na siya ang pinaka-loyal na taong nakilala ko sa trabaho ng isang ninja. He respects the title, the responsibility, and everything that the job has to offer. "Yeah. It will take long," komento ko sapagkat hindi pa rin sila nahinto sa pagtakbo at paghabol sa amin. They are all skilled when it comes to a physical fight, but they only use halves of their brains. Baka hindi iyon na-train sa kanila since people here tend to resort to violence as if we are still in the old days. "I'll just consider this as a physical exercise I haven't had in three years," dagdag ko pa na ikinatawa ni Niklaus. Pinapanood ko lamang ang mga tao sa entrance na nakikiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Nakatayo rin doon si Domino, pinapanood kami, and he looked like he wasn't happy about what we did. Yeah... f**k everything. We'll have to face our consequences after this. Hindi naman siguro kami ma-e-expel, ano? Well... posible pa rin. I just shrugged off my thoughts and focused on what was in front of me. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa Ace of the Uzumaki Ring. "Do you feel good now?" Niklaus asked. Natigilan ako at napalingon sa kanya nang dahil sa tanong niya. Nakatingin din siya sa 'kin at hinihintay ang sagot ko. Napabuntong-hininga ako. "Not yet. I don't think I will be able to feel good in a while," mahina kong tugon nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mukha. Nakita kong marahan siyang tumango at saka ibinalik ang tingin sa harapan. We were still running at tumutulo na ang mga pawis namin sa mukha at sa buong katawan. Hinihingal na rin ako nang matindi, at ganoon din ang mga guwardiya na humahabol sa amin na huminto na sa paghahabol. Napahinto na rin ako nang makitang sumuko na sila sa paghahabol sa amin. Habol-hininga akong napahawak sa magkabila kong mga tuhod bago ko hinarap ang limang guwardiya. "What are you doing?" singhal ko sa kanila na mababakasan ng pagkainis ang boses. Narinig ko ang mga bulungan ng mga nakiki-usyoso sa entrance ng museo. Mukhang ang iba ay namukhaan ako kaya nagsimula ang pagbibitaw ng mga komento tungkol sa akin. "This should be a lesson to use your brains when capturing a thief..." hinihingal ko pa ring sabi at saka itinuro ang lahat ng displays na naging dahilan ng pagbagal ng paggalaw ng mga guwardiya. I told them na ibaba na muna ang mga iyon so they could run freely, at mas madaling mahuli ang magnanakaw. "That is how you capture a thief the smart way," dugtong ko pa dahilan upang ma-offend ang mga guwardiya na binigyan ko ng pangaral na dadalhin nila habang buhay. Nang humupa na ang paghingal ko, lumapit na ako mismo sa mga guwardiya at ibinigay ang aking mga kamay upang mag-surrender, but I'm not giving the ring back. I won't give them what's mine in the first place. Narinig ko ang sabay-sabay na pagbaba ng mga display sa paligid at nilamon ang mga iyon ng sahig. Naging maaliwalas ang buong museo nang mawalan ng laman. This is what I was talking about. Kung kanina pa nila ginawa ito, hindi sana kami mapapagod lahat. Nilingon si Niklaus na nakatayo pa rin sa likuran ko, nanonood lang sa eksenang ginawa ko. "You should surrender now, too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD