"No. She won't kill you," nakangiting sabi ni Tita Lisa na biglang dumating nang hindi namin namamalayan. Namilog ang aming mga mata nang dahil sa hindi namin inaasahang pagdating niya. Nanay-nanayan siya ni Zach. "M-mom..." halos pabulong na sabi ni Zach. Si Hugo naman, blanko pa rin yung ekspresyon. Binitawan niya yung braso ko. Tiningnan niya nang masama si Tita Lisa. Ngumisi lang si Tita nang dahil doon. Si Aliah naman lumabas na ng Howl Castle. "Mom... Ba't kayo nandito?" tanong ni Zach na nakayakap na kay Tita. "Namiss ko kayo. Hindi niyo ba ako na-miss?" ani Tita sa amin na nakangiti. Tumingin naman siya sa 'kin at ngumiti nang nakakaloko. You know why? Err. You will know it soon. 'Di muna ngayon. Sina Zach at yung apat din nginitian niya nang nakakaloko.. Alam din ng lima a

