Shantrelle's POV Going back to the academy. I remember it being my final school year before I became an official ninja. Sabay kaming pumasok ni Bin ngayon. Kakatapos lang niyang magpa-check up at sinabi nung doctor niya na maayos naman daw ang lagay niya, although may lagnat pa rin itong lalaking 'to. Ilang araw na at nangangamba rin kami na mahawaan kami. "Okay ka lang ba?" tanong niya. Nilingon ko siya. Ba't ako ang tinatanong niya? "Sa 'yo ko dapat itanong 'yan." Tinaasan ko pa siya ng kilay. Ang engot eh. "Okay lang ako. Ikaw ang hindi." Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako at hinarap siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Kumunot ang noo ko. Problema nito? "Ang lamig ng mga kamay mo oh. Ba't ka kinakabahan?" Halata ba masyado? Binawi ko yung magkabilang kamay ko k

