Selena's POV Sumama si Shion kay Ate Shana sa pagpunta sa bahay. Baka saktan siya ni Zedd eh. Kwento kasi ni Ate Shana na siya dapat yung babarilin, sinangga lang ni Shan. So, ibig sabihin, may balak na masama si Zedd kay Ate. “Selena, si Aiven?” tanong ni Kuya Hawie habang hawak yung phone ko. “May nag-text. Hawak daw si Aiven!” “s**t!” Tumakbo ako sa isang cabinet at kumuha ng dalawang baril. “Babalikan ko siya sa bahay!” Bago pa ako tumakbo palabas. “Na-track niyo kanina si Zedd, 'di ba? Puntahan niyo yung hide out nila.” Lumabas na ako ng room at nagmadaling lumabas ng hospital. Nasa labas lang kasi yung mga sasakyan. Nang makarating ako, sumakay na ako. At mabilis na mag-drive. Traffic pa. Pota! Napahampas ako sa manibela. Ba't ko ba iniwanan si Aiven dun? Nang nagsimula nang um

