Nagpaalam na ako sa kanilang apat matapos ang nakakapagod na paliwanagan tungkol sa aking history ng pagiging isang ninja. Hindi pa rin sila sumagot sa sinabi ko na magpanggap kami na hindi namin nakita ang isa't isa at na hindi kami magkakakilala, lalo na rito at sa paaralan na papasukan nila.
Bago ako umalis, I made clear to them na ayaw ko na ng kahit na anong koneksyon pa sa kanila at sa Maki Academy. I have been living in peace simula nang umalis ako sa lugar na iyon, so ayoko na sirain nila iyon dahil lang aksidente nila akong nakita rito. From the day na umalis ako roon, I have nothing to do with them anymore.
Kumain ako ng tanghalian ko nang makauwi ako sa bahay ko at saka ako nagbasa lang ng libro habang nakaupo sa sofa. Maghapon lang na ganoon ang ginawa ko which was pretty normal na sa akin. Mahihinto lang ako kapag pupuntahan ako ni Lola Kris, o 'di kaya'y mag-aabot ng pagkain si Lolo Bon, o kapag manghihingi ng tulong sa akin ang iba pang matatanda.
At noong hapon na 'yon, ginambala na naman ako ng aking bagong mga kapit-bahay. Narinig ko na mayroong kumakatok sa aking tarangkahan kasunod no'n ay ang pagtawag nila sa pangalan ko. Nang sumilip ako sa bintana, nakita ko ang apat na nakatayo sa labas. Seriously, what do they want from me?
Sinara ko kaagad ang kurtina at nagpanggap na walang naririnig at tulog na lamang. Kung hindi sila makikipag-cooperate sa akin, ako na lang ang iiwas at hindi papansin sa kanila.
Napangiti ako nang huminto na si Tobi sa pagtawag sa akin. Humiga ako at itinaas ang aking isang paa sa sandalan ng sofa, saka na ako nagpatuloy sa pagbabasa.
Ngunit natigilan na naman ako nang bigla kong marinig ang malakas na pagsigaw ni Lola Kris mula sa kanyang bakuran.
"Ake! Ano ka ba namang bata ka, bingi ka ba? Naghihintay ang bago mong mga kapit-bahay!" sigaw niya na sobrang lakas kaya napatakip ako sa aking tainga.
Kaagad akong bumangon at saka binuksan ang pinto upang silipin si Lola Kris. Nagkusot pa ako ng aking mga mata upang nagkunwaring kagigising ko lamang.
"Nakatulog ako, Lola. Bakit po?" magalang kong tanong sa kanya.
"Pambihira ka. Kanina ka pa hininintay ng mga kapit-bahay mo at sinabi mo na tutulungan mo sila," aniya sa akin kaya napalingon ako sa apat na nakangiting tagumpay sa akin. I scoffed in disbelief. Were they provoking me? "Samahan mo na lang silang mag-ikot sa barrio upang mamigay ng niluto nila. Hindi ako makalabas at magluluto ako ng hapunan para sa Lolo Tasyo mo," dagdag pa niya na nginitian ko na lamang.
Padabog kong isinara ang pinto ng bahay ko at saka na nagsuot ng tsinelas upang lumabas na. Nakasuot lang ako ng aking terno pyjamas na mayroong print ng mga kuneho.
"Nice pyjamas," pang-asar na komento ni Alisson. Sinimangutan ko lang siya.
Nakasimangot lamang ako buong oras na naglalakad kami. Katabi ko si Tobi na bitbit ang isang malaking kaldero habang si Aero naman ang may hawak ng mga disposable na bowl upang paglagyan ng mainit na sopas na ipapamigay sa mga bahay.
Itinuro ko ang mga bahay nina Lola Iska, Lolo Bon, at lahat ng mga bahay ng matatanda rito sa street namin. Tuwang-tuwa naman ang mga iyon nang makita ang apat na bagong salta.
"Sa wakas ay may ka-edad ka na ring nakatira dito, Ake," wika ni Lola Iska nang makita ang apat na isa-isang nagmano sa kanya. Sa lahat ng matatandang binigyan namin ng sopas na niluto nila ay nagmamano sila. Hindi ko lang alam kung hindi mapudpod ang kanilang mga noo hanggang sa marating namin ang huling bahay rito sa barrio. "Wala ka pa bang napupusuan sa kanilang apat, Ake?" sabi pang muli ni Lola Iska dahilan upang mapaubo ako dahil nabulunan ako sa sarili kong laway.
"Lola Iska naman," tanging tugon ko na tinawanan lamang niya.
Nakarating kami sa susunod pang mga street. Yung mga kakilala ko lamang sa mga iyon ang pinabigyan ko ng sopas, pati na yung mga nasa labas na nakikita kami. Nakakahiya naman kung lalagpasan namin sila.
"Ang saya palang tumira dito," komento ni Tobi na nag-e-enjoy sa paglilibot namin. "Dito ka ba nagpunta after graduation, Aki?" tanong niya pa dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Nakalingon din pala siya sa 'kin at kita ko sa mga mata niya na nagagalak siyang makita ako muli.
Marahan akong tumango. "Yes. I decided to stay here for good," mabilis na tugon ko sa kanya.
"Parang gusto ko rin," nakangiti niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't even think of living here, Tobi," I warned him. Magugulo rin ang buhay ko for good, if ever na totohanin niyang tumira dito tapos magkapit-bahay pa kami?
Natawa siya nang mahina. "Kahit kapag nag-retire na ako? Gusto ko rito. Payapa, pero masaya," sinsero niyang sinabi at saka niya inilibot ang tingin sa kapaligiran. "Fresh air pa, walang polusyon. Dito ko sisimulan ang healthy living na matagal ko nang gusto."
Hindi ako umimik dahil nakita ko sa kanyang mukha na sinsero siya at totoo ang nararamdaman niyang galak sa pagtira niya rito sa baryo. If he really feels that way, then who am I to stop him?
"Huwag mo lang basagin yung kapayapaan nila rito, dude," mapang-asar na komento ni Alisson na nakikinig pala sa usapan namin.
Si Niklaus naman ay kanina pa tahimik. I wonder kung bakit pa siya sumama sa amin, e wala naman siyang gagawin? Bumubuntot lang naman siya sa 'min, tulad ni Alisson.
"Pahinga lang muna ako rito. You can do the rest," pagtawag ko ng break sa kanila nang may nadaanan kami na malaking puno sa pagitan ng dalawang bahay. Lumapit ako roon at sumalampak sa ugat noon, saka sumandal sa puno. Finally, mapapahinga ang aking likod at mga binti.
Pinanood ko na lamang sila na mag-house to house hanggang sa maubos na ang niluto nila. Nabigla naman ako nang sa akin sumunod si Niklaus, hindi sa tatlo.
Umupo siya sa tabi ko dahilan upang magbangga ang aming mga braso. Napalunok ako ng laway at ramdam ko talaga ang awkwardness sa pagitan namin.
"You haven't changed a bit, Aki," rinig kong bulong niya kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin lang sa kawalan. "You still look great. The Kawahara that I always knew," muli niyang sinabi at saka siya lumingon sa akin. Namilog nang bahagya ang aking mga mata nang magtama ang aming paningin.
"Niklaus..." tanging nasambit ko. His eyes were sad, they were as if longing for something.
Isang ngiti ang umusli sa kanyang mukha. "You're still the most beautiful."