Selena's POV Nagising ako dahil sa ingay. Ano bang meron? May nakapasok ba sa kwarto ko? “Ayun si Selena!” Nakita ko pa ang pagturo sa akin ni Shion habang nakikipaglaban na sina Lei. May labanan sa kwarto ko?!! Marahan na kinurot ko ang pisngi ko. Nananaginip ba ako? Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Shion. Tinulangan niya akong tumayo at pinaupo sa may monoblock. “Hoy! Pumunta ang isa rito!” “Roger!” Si Yoru! Nandito siya! Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanila at kay Shion. Ba’t nakikipaglaban ang Dp at Shinimis sa mga men in black dito? Tumakbo si Yoru sa may gilid namin habang hawak niya yung camera ko. Si Shion naman, biglang lumuhod sa harapan ko. “Hoy! Selana!! Tulala ka riyan?!!” Doon lang ako nabalik sa kasalukuyan. Si Hawie iyon, kung makasigaw naman. 'De, kas

