Shion's POV Ang sakit, sobra. Hindi totoo ang mga iyon, hindi ba? Hindi siya nagtataksil sa akin. 'Di ba? 'Di ba? Hindi niya sinasadya iyon. “P’re. Pasensya na. Nagulat din ako eh,” rinig kong sabi ni Jiro. Sila kasi ang unang nakatuklas sa nangyari. Napasama pa tuloy dahil ni-kompronta nila si Selena sa maraming tao. Napatungo na lang ako at itinumba ang isang bote ng beer. “Hindi ko alam, Jiro. Ewan ko na.” Nasasaktan talaga ako sa tuwing naiisip ko yung picture. Bakit nangyayari sa akin ‘to? Mahal naman ako ni Selena, ‘di ba? “Pictures lang ‘yan eh,” komento ni Lei sabay turo sa envelope na nakapatong sa mesa. “Mas mabuti kung panoorin natin yung video.” Napakunot ang noo ko. Kaya ko bang panoorin pa ang video o ang CCTV sa mall? Who sent these photos to us, though? Sino ang kum

