"Uyy Hendrix, tignan mo! Ang galing nya guwama ng letter!" Tinuro ko ang babaeng nasa cellphone ko na nagvi video habang gumagawa letter. Sinilip nya naman ito at nagkibit-balikat lang. " Ang galing nya diba?!" tanong ko muli sa kanya.
"Tsk! Ang ingay mo!" Singhal nya sa akin. Sinama an ko nalang sya ng tingin at muling tumingin sa pinapanood.
Every time that I saw or heard that someone is making a letter it instantly caught my attention. Ewan ko ba pero simula nung nakita ko si Papa na gumagawa ng letter para kay Mama dahil mahilig daw si Mama na magbasa ng letters. Naadik na rin ako magbasa ng mga ganun. Dumating pa nga sa point na hinihingi ko kay Mama lahat ng love letters na binibigay sa kanya ni Papa para lang basahin.
I tried making one but it turns out to be a horrible letter. Hindi kasi ako marunong mag design at isa pa walang papel na hindi nalulukot sa akin. Pero kahit ganun binigay ko pa rin kay Mama nung una ayaw pa nya tanggapin dahil para daw kinahig ng manok sa sobrang gulo at madumi puro kasi iyon bura. Pero nang malaman nya na letter ko iyon para sa kanya tinabi nya iyon. Kinabukasan nun nakita ko sa kwarto nila ni Papa na naka frame na. Sobrang natuwa ako nun.
Kaya sa tuwing may makikita ako na letter hindi ko lang iyon nagugustuhan, hinahangaan ko din ang gumawa non dahil alam ko na binigyan nya iyon ng oras para lang mapaganda. Kaya ganun nalang ang Inis ko noong nakita ko na itinapon ng kaklase ko ang letter na ginawa para sa kanya ng isa ko pa na kaklase.
"Huy! Tulala ka na!" Nagulat ako ng bigla akong alugin ng malakas ni Hendrix. Napatingin ako sa kanya at napasimangot. Ang lakas kasi talaga. "Kanina pa kita kinakausap tsaka tignan mo tapos na yung pinapanood mo oh!" Tinignan ko naman agad yung cellphone ko at nakita na tapos na nga.
Tsk! Nagre reminisce pa ako dito eh! Epal!
"Pake mo ba! Nagalit ba ako nung hindi mo ako pinansin?!" Change topic is life. Nakita ko na napakunot ang noo nya at tumingin sa akin na nagtataka.
"Ansabi mo? Kanina pa ako nagsasalita dito. Ikaw kaya yung hindi namamansin dyan! Tulala ka nga eh!"
"Ah basta! Bahala ka Jan!" tumayo na ako at iniwan sya. Hindi ko na alam isasagot eh! Dumiretso lang ako kahit hindi ko kabisado yung mall. Maya-maya kumonti yung mga tao na kasabay ko kaya napatingin ako sa paligid. Konti nalang din yung mga stall.
"Aish! Nasaan na ako?!" Mahinang bulong ko sa sarili habang pa tuloy Pa Rin sa paglalakad. Pag dating ko sa bandang gitna huminto ako saka tumingin sa paligid. Wala na talaga akong kasabay. Hindi ko na talaga alam kung nasaan ako.
"Bwiset kasi si Hendrix! Na ligaw na ata ako!"
*BRRZK! BRRZK! *
Agad ko na kinuha yung cellphone sa bulsa ko at nakita ang pangalan ni Hendrix. Nagiisip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Inaway nya kaya ako! Pero sa huli napagisipan ko na sagutan nalang makakalimutin kasi talaga ako. Baka hindi na ako maka uwi.
"Reachelle! Asan ka na ba?! Kanina pa kita hinahanap!" Nalayo ko yung cellphone sa tainga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya. Halatang hinihingal din sya. Mukhang hinahanap nya talaga ako.
"Ang lakas naman ng boses mo! Masakit sa tainga! Nakalunok ka ba ng mic?" tanong ko sa kanya.
"Huwag mo ako mabiro-biro Reachelle Samantha Augustine! Kanina pa kita hinahanap! Nasaan ka na ba!?!" Nagulat naman ako sa tono ng boses nya. Ngayon ko lang narinig yung ganun na tono nya. Para ganda sya na pumatay ano man na oras. Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras.
"H-hindi ko din alam. B-basta dumire diretso l-lang ako." pakiramdam ko ma iiyak ako anu ang oras. Ngayon lang nya ako tinaasan ng boses sa tagal namin na magkasama.
"Tsk! Alis kasi ng alis! Don't go anywhere! I'll look for you!" Yun ang huling narinig ko bago nya ibaba ang linya.Naupo ako sa mismong pwesto ko at niyakap ang mga tuhod ko. I don't really know what to do.
I remember when I was a kid we went to a mall to buy Christmas stuff. While walking in the middle of the crowd and looking at stuffs napabitiw ako kay Mama. Hindi ko pa agad iyun napansin dahil na amaze ako sa paligid ko. After ko makalagpas sa mga Christmas stall. May nakita ako na palaruan nung tinawag ko si Mama para sabihin na gusto ko mag laro doon ko lang na pansin na wala na pala akong kasama. And from that day I get traumatised every time that I get lost all I want to do is cry.
"Hey? Are you okay?Reachelle? Tsk!" Nagulat ako ng may biglang may mag ang at ng mukha ko. Nakita ko ang mukha ni Hendrix kaya lalo akong napa iyak.
"SORRY!" I immediately hug him and apologise as many as I can. He is the third person in my life who can stay by my side even though I'm hard headed as hell. He is the only one that my parents trust because they know that he can take care of me.
"It's okay. Just don't do that again. I'm really worried. I thought I lost you. Hindi ko kaya kapag nawala ka sa tabi ko. " Unti unti nya akong nilayo sa kanya habang sinasambit iyon. Lalo akong naiyak sa binanggit nya. Alam ko sa sarili ko na kahit ako hindi ka kaya in kapag sya mismo ay nawala sa akin. Sana hindi sya umalis sa tabi ko. Dahil alam ko na kapag umalis sya sa buhay ko magugulo yung mundo ko na naayos nung dumating sya.
"C'mon! Ride on my back! I'll buy you an ice cream!" Sumakay ako sa likod nya at niyakap ang leeg nya. I keep whispering sorry and he keep saying that it is alright or its fine. I don't care about the stares of people giving us. All I care is him.
"Here! What flavor do you want? Cookies and cream, right?" Akmang papausok sya ng store ng hilahin ko ang braso nya at niyakap sya. I'm scared at the same time guilty. Galit din ako sa sarili ko. Sa dami ng pwede kong gawin yun pa. Eh makakalimutin nga ako. Tsh! Tanga ka selp!
" I'm sorry if I make you worry. " I said as I hug him. Nararamdaman ko yung malakas na kabog ng dibdib nya dahil nga nakayakap ako. Feeling ko type na din ako nito eh. Kinikilig sya eh. Hahahaha.
"Ayos lang yun. Basta 'wag mo na uulitin. Pwede ba na mag ice cream na tayo? Ni-nerbyos ako sayo kanina. Nagkape pa naman ako." Anak ka naman talaga ng kagang! Akala ko kinikilig na! Nebyos lang pala! Hayop!
Wala na ako na gawa kung hindi sundan sya ng tingin habang pumapasok sa ice cream Parlor. Paasa sya kahit kailan!Bwiset!
**********
" Hey, don't do that again. "Napatingin ako sa kanya ng mag salita sya matapos namin nakarating dito sa amin. Hindi man sya akin nakatingin halata naman na para sa akin yung sinasabi nya. Alangan naman para sa kalasada diba?
"Sorry ulit dun sa nangyari. I promise hindi ko na uulitin." Tinaas ko pa iyung kanan ko na kamay na para bang namamanata. Isip-bata ako eh bakit ba? Tumingin sya sa akin kaya nginitian ko sya ng malaki nakita ko naman sya na napa smirk. Pogi nya God!
"Sige na pumasok ka na.Ingat. Baka madapa ka pa." Sabi nya sa akin ng binuksan ko yung pinto ng sasakyan nya. Sinama an ko sya ng tingin tsaka binati ng tissue na kasama kanina sa ice cream. Medyo makapal iyon dahil naka ilang ice cream din kami.
"Heh! Mag text ka kapag nakauwi ka na!Sorry ulit! Bye! Ingat ka!" Sinabi ko na kanya at kinawayan sya. Inantay ko muna sya makaalis bago ako pumasok sa bahay.
*POK!*
"Saan ka naman nang galing na bata ka?" Nagulat na nga ako sa boses nya nagulat pa ako sa kaltok. Mama talaga kahit kailan eh. Grabe! Pakiramdam ko yumanig lahat ng brain cells ko.
"Gumala kami ni Drix! Sakit naman nun Ma! Nagpaalam naman ako ah!" Sinabi ko sa kanya habang hinihimas yung ulo ko. Pakiramdam ko nabobo ako lalo sa kaltok ni mama.
"Nagpaalam ka nga! Hindi naman sa akin! Sa Papa mo lang! Hindi ba sinabi ko sa iyo na magpaalam ka bago ka umalis ng bahay?!" Napanguso ako sa sinabi ni Mama. Imposible naman na hindi nya malaman. Eh kapag nagpaalam ako kay Papa sinasabi agad sa kanya.Alam ko na!
"Ma, kung nagaaway kayo ni Papa 'wag mo nga akong isali! LQ LQ pa tanda nyo na uy! Gra--Arayy! Tama na! Masakit na kaya!" Hindi ko tuloy natuloy yung sinasabi ko dahil kinaltukan na naman ako ni Mama. Yung totoo dati ba na mangangaltok itong nanay ko?Ang lakas eh!
"Siraulo!" Sigaw nya sa akin tsaka umakyat sa taas. Joke din'tong nanay ko eh! Magagalit kay Papa tapos ako aawayin nya! Yung totoo ako ba si Papa? Sya kaya kamukha ko!
Paakyat na sana ako ng kwarto ng makita ko si Papa sa may garden nakaupo habang kumakain. Nilapitan ko sya para tanungin. Kailangan ko gumanti! Masakit kaltok ni Mama eh! I need justice!
"Pa!" Muntik mapatalon si Papa sa inuupuan nya dahil sa biglang sigaw ko. Gusto ko matawa pero pinigilan ko nalang. Kailangan serious! I shall return! "Bakit nagagalit si Mama?! Nagpaalam naman ako ah! Hindi mo ba sinabi sa kanya?!"
"Grabe ka naman na bata ka kung makasigaw! Umabot ata hanggang kabilang village boses mo! Tsaka bakit ako tinatanong mo? Pinaalam kita ewan ko lang bakit galit?" Humina bigla yung boses nya sa dulo kaya nagtaka ako lalo. May kasalanan 'tong tatay ko na ito panigurado.
"May ginawa ka noh?" tanong ko sa kanya habang nilalapit mukha ko sa kanya. Ito ayaw ko eh pag may away sila ako damay. Takte! Kawawa ako! Baka mapanot ako sa tuwing kakaltukan ako ni Mama.
"Baka dahil kinain ko yung abfshgshe." Ano daw? Hindi ko marinig?
"Ano?! Di ko narinig!" Kulubot na mukha ko dahil kay Papa.
"'Wag ka nga sumigaw! Magka lapit lang tayo eh!.... Baka kaya sya nagalit kasi kinain ko yung huling slice ng cake sa Ref?" Anak ka nga naman talaga ng kagang! Choclate yung cake na iyun at paborito ni Mama eh! Kaya naman pala naghihimutok eh!
"Papa naman eh! Bakit ko kinain?! Alam mo naman ba paborito yun ni Mama!" Napamewang ako ng wala sa oras. Kaya naman pala ako napapagdiskitahan ni Mama eh!
"Nagutom ako eh."Nakanguso pa sya ng banggitin iyun.
" PAPA!! "Nag tatakbo sya bigla. Muntik pa sya matumba dahil sa pag takbo nya naiwan pa nga tsinelas.
Takte! Hindi ko malaman kung sino ba sa amin na tatlo isip-bata eh!Minsan matitino madalas wala sa hulog! Kapag naubusan ng pagkain nagagalit agad! May I isip-bata pa ba sa amin?