Pero hindi niya inaasahan na ang minsan na pagkikita nila ay naging madalas, dahil ito ang personal na nagpapakita sa update nang ginagawa nito.
" It seems like your not busy."
Simula niya nang magkita sila sa coffee shop bandang hapon.
" So far, ikaw pa lang ang project na meron ako."
Sabi nito na agad na natawa nang marealize ang sariling sinabi.
" What I mean is sa iyo pa lang na bahay ang project ko."
Pagtatama nito sa unang sinabi.
" Actually, tinatanong ka nina Guia. Saka si Ken."
"Kumusta na sila?"
Mga kaibigan ito nang dalaga na dahil naging magkasintahan sila naging kaibigan na din niya ang mga ito.
" They're asking me to go out later. Baka gusto mo sumama?"
Pagyaya nito sa kanya, wala naman pag aalinlangan na tumango siya.
"It's okay. Wala naman akong gagawin."
Sabi niya, at dahil weekend schedule niyang pumunta sa kaniyang bar. Nagpa tayo siya nang isang bar, at para, na din suporta sa wine industry nang pamilya. Kahit na siya ang namamahala nang medical school na negosyo nang pamilya nang kanyang ina.
" Sa bar ko na lang kayo pumunta, libre ko ang alak."
Alok na lang niya, kaya tumango ito at agad na hinawakan ang cellphone at gumawa nang tawag.
" I wonder, how is she doing now?"
Iyon ang pumasok sa isip niya habang nakatingin dito na may kausap. Malapit na ang dalawang linggo at wala siyang natatanggap na tawag mula sa asawa. She must be in a really remote area.
" I informed them already."
Baling nito sa kanya pagbaba nang telepono. Kaya tipid siyang ngumiti at tumango dito.
" Magkita na lang tayo sa bar mamaya."
Paalam nila sa isat isa at nag kanya kanya na silang sakay sa sarili nilang mga sasakyan. Sa kanyang bar siya nagtuloy. Meron siyang maliit na opisina dito at meron iyong maliit na kwarto at sariling banyo. Napatingin siya sa maliit na kama. Ilang babae na ang nadala niya dito, mga one night stand at casual s*x. Naiiling na lang siya sa sarili na pumasok nang banyo at nag shower.
" How's everything here, Chase?"
Tanong niya sa kaniyang bar manager.
" Everything is fine, boss Finn. Mas nakikilala na ang bar dahil sa mga kilala na regular customer. Katulad ni Miss Chloe."
Sabi nito kaya napakunot siya nang noo.
" She's here almost every night. At kung sino sino celebrity ang mga kasama. VIP na nga po siya."
Tumango na lang siya, hindi naman siya madalas dito kaya ayos lang kahit maglagi ito dito.
" I will book the VIP room. meron akong bisita."
Sabi niya at naupo sa stool na nasa bar,humingi siya nang rum.
" Okay boss, I will prepare it now personally."
Sabi nito at iniwan siya.Sumisimsim siya sa baso nang may yumakap sa kanya mula sa likod.
" Hey, at last, na huli din kita dito."
Masayang sabi nito na agad niyang nilingon.
" Chloe!"
" Yes, in flesh!"
Malaki ang ngiti nito na pumulupot ang braso sa leeg niya. Bago pa nito mailapat ang mga labi sa kanya, hinawakan niya ang mga braso nito at binaklas niya.
" C'mon Chloe."
Madiin niyang sabi dito, pero hindi ito nag patinag sa malamig niyang pakikitungo.
" Finn, I missed you! Alam ko na miss mo din ako."
Sabi nito at ang mga braso ay sa kanyang beywang naman ipinulupot. Muli niya itong tinanggal, pero para pa din itong bata na ayaw malayo sa kanya.
" Hindi mo nakikita na ayaw niya sa iyo?"
Natuon sa nagsalita ang kanilang atensyon. Bumaba siya sa stool at inakbayan si Bianca na bagong dating.
Kumuyom ang palad ni Chloe, pero nailayo na niya si Bianca dito at dinala sa VIP room.
Hindi niya alam na mayroon nakapanood sa lahat nang eksena.
" Who is she?"
Baling ni Ara na parang itinulos sa kinatatayuan. Balak sana nitong surpresahin si Finn, pero hindi niya alam na siya ang maso surpresa.
" His Ex. Pero matagal na silang hiwalay."
Sagot ni Ezah sa kanya. Madali siyang natuto nang tagalog dahil sa determinasyon niya. At sa tulong din ni Ezah na Tagalog siya kausapin kaya mas madali siyang natuto.
" But it seems not like that."
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang naramdaman. Pinag aagawan ang kanyang asawa nang dalawang maganda at sexy na babae.Binaba niya nang tingin ang sarili, she doesn't belong here. Lalo na nang iginala niya ang paningin sa lahat nang mga kababaihan, lahat ay naka damit na malayo sa kanyang pananamit.
" I don't belong here, Ezah. Tara, alis na tayo."
Sabi niya kay Ezah, at nauna nang lumabas nang bar, na sabi ni Ezah ay pag aari nang asawa.
" Ara, hindi ka pwede umalis na lang."
Pigil sa kanya ni Ezah, pero hindi siya huminto hanggang makarating siya sa parking lot.
" They will laugh at me, kung sasali akong makipag agawan kay Finn."
Sabi niya sa mahinang tinig. Nagpawala si Ezah nang buntong hininga at walang nagawa kundi sumakay na din sa sasakyan nito.At umalis sila sa lugar na iyon.
Hanggang tumigil ito sa isang building, walang idea kung saan siya dinala ni Ezah.
" Baba na, bibigyan kita nang karapatan para makipag agawan kay Kuya Finn."
Naging sunod sunuran na lang siya kay Ezah nang hawakan ang kamay nito at dalhin sa loob.
" Complete makeover, please."
Sabi ni Ezah sa attendant nang pagpasok nila sa beauty salon.
"Kami na ang bahala."
At giniya siya nito sa harap nang malaking salamin. Wala pa din siyang reklamo. Hindi niya alam kung dahil sa pagod o sa nasaksihan kaya ganun siya.
She doesn't like the feeling. Hindi siya magtataka na pag agawan ang asawa niya dahil napaka gwapo nito. Pero ang maging malapit ito sa ibang babae lalo na at dati nitong ka relasyon ay mahirap tanggapin.
Siguro mas may nararamdaman pa si Finn sa dati nitong kasintahan kaysa sa kanya. Hinawakan niya ang sariling dibdib, she's hurt!
Tinalikuran niya ang pagiging isang madre at tinanggap ang pagiging asawa ni Finn. Dahil naniniwala siya at nakita niya na mabait ito.
Napapikit na lang siya at nagdasal na sana mawala ang sakit na nararamdaman.
" Hold my heart, Lord."
Pipi niyang dasal, na agad nagpa mulat sa kanya nang pumalakpak ang bakla na nag aayos sa kanya.
" Very pretty."
Sabi nito at nakipagtitigan siya sa kanyang sariling repleksiyon.
" Is that me?"
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang repleksiyon niya sa salamin.