Chapter 12 LDR

1141 Words
Isang araw lang ang itinigil niya sa Barcelona at babalik na siya sa Pilipinas kinabukasan. " I will learn Tagalog. And if I can speak your language. I will visit you there." Sabi ni Ara habang tinutulungan siya nitong mag empake nang kanyang mga damit. " Okay, I will wait for you there. In the meantime, stay here with grandma and Ezah." " Can I visit the convent once in while? All my friends are there." Paalam nito sa kanya, tiningnan niya muna ito nang nanunuri bago siya sumagot. " But you will not enter in the convent to continue your vocation?" Tanong niya na hindi ito hinihiwalayan ng tingin. " I can't! I already marry you. Besides I'm already tainted. I will miss your kisses for sure." Hinawakan niya ito sa balikat at ihinarap sa kanya. Ang babae na limang araw hanggang isang linggo yata ang buwanang dalaw. " Good. I will surely miss you, wife." At hinalikan niya ito. Kung may bagay man na nakasayanan nito ngayon ay ang kanyang paghalik halik dito. Yumakap ito sa kanya matapos niyang halikan, siya naman ay natatawa na hinalikan ito sa ibabaw nang ulo. " Just say it, wife." Kumbinsi niya dito dahil alam niya na may gusto itong sabihin. " I will miss you, Finn." Sabi nito na ang mukha ay nakasubsob sa kanyang mga dibdib. " Me too, wife." Hanggang makasakay siya sa eroplano ang maamo at naiiyak nitong mukha ang pumapasok sa isip niya. Kailangan niyang ayusin muna ang mga bagay bagay. Ngayon na may asawa na siya, kailangan na niyang mag plano para sa kaniyang magiging pamilya. Naiiling na lang siya sa isipin na pumunta siyang binata sa Spain at bumalik siyang may asawa. "Bro, how's your honeymoon?" Tanong sa kanya ni Thiago, alam nito ang kanyang dating kaya ito ang sumundo sa kanya. " Wag mo akong simulan Thiago." Sabi niya dito kaya tumawa ito nang malakas. " Still not tainted ha? Ikaw din baka bumalik iyon sa kumbento. Hindi mo pala napatikim nang luto nang Diyos." Sinamaan niya ito nang tingin. " Stop teasing me Thiago." Napapagod siyang sumandal at pumikit ang mga mata. " What's your plan? LDR? How you will survive? Pwede siguro siya, how about you?" " C'mon, Thiago. Hindi naman taon kami hindi magsasama. After I settled everything here, pwede siyang pumunta dito." Minabuti niyang sagutin ito at hindi din naman siya titigilan. " Honestly bro, bilib ako sa iyo. Nagawa mo ang hindi ko nagawa noon." Seryoso nitong pahayag habang nasa kalsada ang tingin. " Why? Nagsisi ka ba na hindi mo sila sinunod?" " Hell! No! Wala akong babaguhin. Buhay pa din ako ngayon dahil kasama ko si Maria. She's my life and our princess Tamara." Kumislap ang mga mata nito at sumilay ang mga ngiti sa labi. " Iyan, iyan ang dahilan kaya pumayag ako sa arranged marriage. Ayaw kong makita ang sarili ko na halos mabaliw sa babae. At least for us, walang gaanong emosyong involved." " Sa ngayon, but you are going there Finn. Nakikita ko sa mga sulyap mo sa kanya." Parang sigurado na sigurado nitong sabi sa kanya. " Tsked. She's my wife walang masama kung sakali." Sabi na lang niya, dahil sa kanyang sarili hindi mahirap mahalin ang kanyang asawa. " Ang mahirap lang ay si Papa Jesus ang karibal mo sa kanya. Maybe she's expecting too much kindness from you, Bro." " She's not like that, Thiago. And she's like any other girl. Napatunayan ko iyan sa bakasyon namin." Hindi niya maiwasan ang mapangiti nang maalala ang pag sagot nito kay Chloe. Marunong din itong magalit at mag selos. " Well, sana maging masaya kayo. Para naman hindi ako makunsensiya at si Ezah sa pag ako mo na magkaroon nang malaking porsyento nang Spanish blood sa lahi natin." Naiiling na lang siyang tumanaw sa labas nang bintana nang sasakyan. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Nakagising lang siya nang tumunog ang kanyang cellphone. " Kumusta?" Bungad nito sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. " Your learning that past ha?" Hindi niya napigilan ang mapangiti nang marinig ang tinig nito at paraan nito nang pagbati. " So I can follow you, Grandma already allowed me." " Hmm, That's good." Nasabi na lang niya, dahil may matinding dahilan upang naisin niyang makasama ito. " Are you home already? Ezah told me you should be home right now." " Not yet, but I'm on my way." " Oh, I'm sorry." Hingi nito nang pasensya na tinawanan lang niya. " Don't be. I'll call you once I got home." Sabi niya kaya nagpaalam na din ito. " That's a good sign." Agad na komento ni Thiago nang ibaba niya ang tawag. " I don't have a problem with her. And I have nothing against her, Thiago. Kaya wag ka nang makunsensiya." " Did you two kissed already?" Nakangiti nitong baling sa kanya. " We make out already, happy?" Sagot niya dito at mabilis na bumaba nang sasakyan dahil sakto na nasa harap na sila nang kanilang villa.Dito iniiwan ni Thiago ang kanyang mag ina tuwing may byahe ito. " Wooh! Achievement yon bro! God is with you dahil hindi ka pinatamaan nang kidlat." Sigaw nito sa kanya pero malakas lang niyang sinigawan ito. " Gago!" Humalakhak lang ito na sumunod sa kanya sa pagpasok sa loob nang bahay. Nagtuloy tuloy na siya sa kanyang kwarto at pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag video chat kay Ara. " Hey!" Bungad nito sa kanya na nakangiti. " Just got home." Sabi niya dito. " You look tired, Finn. I will not bother you now, just rest okay?" Malambing nitong sabi na para bang gusto siya nitong yakapin. She's really adorable. " Oh, don't think I don't miss you. I just want you to rest." Pahabol nito kaya napangiti siya. " I did not say anything." "Finn, now that we're far from each other. I don't want us to have a misunderstanding." " Me too, I don't want that wife." Matamis na sumilay ang ngiti nito sa kanyang sinabi. " I like it when you're calling me wife, mi esposo." Matapat nitong sabi. At dahil sa maputi nitong kulay, kita niya ang pagpula nang pisngi nito. " Mi esposa." Ganti niyang sabi na nagpangiti dito nang malaki. " Hmm, it's really not fair. You can speak my language and I can't speak yours." " Your learning, in no time you can speak and understand my language." " I will because I already miss you. I want to be with you, Finn." Seryoso nitong sabi, at nakita niya ang, paglungkot nito. " Me too." Nagpatuloy ang kanilang usapan hanggang makatulog siya sa sobrang pagod. In his sleepy state narinig pa niya ang sinabi nito. " I wish I'm with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD