" Damn!" Hindi niya mapigilan na mapamura nang hindi na naman makausap ang kanyang asawa. Pinadalhan lang siya nito nang mensahe nang bagong dating ito sa Spain. Hindi ito tumatawag sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. " Okay, ka lang?" Nag angat siya nang tingin kay Bianca na kasabay niyang mananghalian. Ilang araw na itong sumusulpot sa kaniyang opisina, upang magyaya na kumain o magkape. " I'm good. May gagawin ka pa bang revision sa bahay? It looks good to me, and my wife agreed also with the design." " I'm here not as the architect of your house, Finn. Andito ako as Bianca." Sumilay ang ngiti nito sa labi. May kislap sa mga mata nito. " I don't get you, Bi." Tangi lang niyang sagot at muling hinawakan ang kanyang cellphone at sinubukan na tawagan ang asawa. Hindi naman ito

