" Hi." Alanganin niyang bati kay Bianca na nakamasid sa lawa. " Oh, you want to see the sketch? Nasa loob nang bahay nina Ella. Kukunin ko lang." Sabi nito at balak na siyang talikuran pero pinigilan niya. " It can wait. I saw you crying." Simula niya dahil naabutan niya itong tumutulo ang mga luha. " I'm sorry, hindi ko lang mapigilan." Sabi nito, namagitan sa kanila ang katahimikan. Hanggang muli itong humikbi. " I thought, pagkatapos kong maabot ang mga pangarap ko. May maipagmamalaki na ako, Finn, can be mine. Pero huli na pala ako. May asawa na siya." " Bakit mo siya iniwan?" Tanong niya, nararamdaman niya ang sakit nito. " Dahil baka matulad ako kay Maria. Hindi nila ako gugustuhin para sa anak nila, lalo na ang Lola nila Finn. Kaya nagsikap ako, gusto kong maging karapa

