TUMAYO si Catherine mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama nang makarinig siya ng pagkatok na galing sa labas ng kwarto niya. At nang buksan niya ang pinto ay nakita niya si Tita Grace na nakatayo sa harap niya. "Tita Grace." "Catherine, magbihis ka. May pupuntahan tayo," wika nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Catherine ang mapakunot ng noo sa sinabi nito. "Saan po tayo pupunta, Tita?" tanong niya. "Magpapasukat tayo ng gown, Catherine. May a-attend-an tayong party sa susunod na linggo," wika nito sa kanya. "Isasama niyo po ako?" "Of course, Catherine," sagot nito. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman tayo masyado gagabihin, aalis din tayo agad," dagdag pa na wika ni Tita Grace. "Magbibihis lang po ako," mayamaya ay wika niya. "Sige." "Take your time. I'll wait yo

