NAGMULAT ng mga mata si Catherine ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa pinto ng kwarto ni Travis. At hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang pagmulat ng kanyang mga mata ay ang nakapikit na mukha ni Travis ang nakita niya. Hindi lang iyon, parang may mainit din na kamay na humaplos sa puso niya nang mapansin ang posiyon nilang dalawa. Nakaunan kasi siya sa braso nito habang nakayakap siya dito. At mayamaya ay inalis ni Chaterine ang tingin dito ng muli niyang narinig ang mahinang pagkatok mula sa labas ng pinto. Dahan-dahan naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Nag-iingat na huwag magising si Travis para makapagpahinga ito ng maayos. Pinagpapahinga kasi niya ito ng umuwi ng mansion dahil masakit ang ulo, pero sa halip na magpahin

