MAAGA pa para sa usapan nila Brad pero gumayak na si Catherine dahil may pupuntahan pa siya. Dadaan muna siya sa bahay nila dahil tumawag sa kanya ang Mama niya kanina. Pinapadaan siya nito sa bahay dahil may ibibigay daw itong pasalubong sa kanilang dalawa ni Travis. Ganoon lagi ang Mama ni Catherine, kapag pupunta ito sa isang lugar ay hindi ito nakakalimot na bilhan siya lagi ng pasalubong. Medyo nagmana nga din siya dahil kapag nasa Mall o nasa ibang lugar din ay hindi niya nalakalimutan na bumili ng pasalubong na ibibigay niya sa importante sa buhay niya. Nang okay na ang lahat ay lumabas na siya ng kanyang kwarto. Nagtungo naman siya sa kusina para magpaalam kay Lily na aalis siya. Hindi pa din nakakabalik si Tita Grace pero ang alam niya ay babalik ito mamayang gabi. "Lily, ma

