PAGKATAPOS makipag-meeting si Travis sa isa sa mga investor ng kompanya niya ay bumalik na siya sa opisina. Nakasunod naman sa kanya ang secretary niyang si Chris, kasama niya kasi ito noong nakimag-meeting siya. Nagti-take down note ito sa pinag-usapan nila para magawan niyo iyong ng minutes of meeting. At bago pa siya pumasok sa loob ng opisina niya ay nilingon si Cris sa kanyang likod. "No, visitor, Chris," ma-awtoridad na utos niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Yes, Sir," sagot naman nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay binuksan na ni Travis ang pinto sa opisina niya at saka siya pumasok sa loob. Tinanggal naman niya ang coat niya at isinabit iyon sa coat rack. Inilihis nga din ni Travis ang manggas ng suot na long-sleeved hanggang sa siko bago siya naupo sa swive

