INAKALA ni Catherine na kapag magigising siya ay nawawala iyong bigat na nararamdaman ng puso niya. Pero mali siya dahil paggising at nang maalala na naman niya ang litrato na ipinadala kanya ni Tita Diane kagabi ay bumalik na naman iyong sakit sa puso niya, para na namang may malaking kamay ang sumakal sa puso niya dahil hindi siya makahinga. Humugot naman ng malalim si Catherine. Ipinilig nga din niya ang ulo para maalis iyon sa isip niya. At inisip niya na baka old photos lang ni Travis at Lianne ang litratong ipinadala sa kanya ni Tita Diane kagabi. Gusto lang siguro nitong saktan siya sa pamamagitan niyon. Wala din naman ng ibang sinabi si Tita Diane nang padalhan siya nito ng picture sa messenger niya. She only sent her a picture Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala muli si

