NAPANGIWI si Catherine ng maramdaman niya ang hapdi sa kanyang paa ng i-apak niya iyon sa sahig ng bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama ng magising siya kinabukasan. Bumaba ang tingin niya sa kanyang paa at hindi niya napigilan ang paghugot ng kanyang hininga nang makita ang band aid do'n. Nang makita niya iyon ay bigla niyang naalala na nasugat pala siya kaninang madaling araw. At bago siya natulog kagabi ay ginamot muna niya ang sugat sa kanyang paa. Saglit siyang napatitig sa kanyang paa bago niya napagpasyahan na tumayo. Paika-ika nga siya ng humakbang siya patungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nang matapos ay kinuha niya ang first aid kit at dinala niya iyon sa kama. Pinalitan niya ang band aid na ginamit pero bago iyon ay nilinisan muna niya ang sugat para h

