NANG makita ni Catherine na sampung minuto na lang bago mag alas dose ay kinuha niya ang paper bag na nakapatong sa ibabaw ng center table na nasa loob ng opisina ni Travis. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Balak kasi niyang ipainit ang ulam na niluto niya. Naglagay si Catherine ng note doon pero dahil gusto ni Travis na sabay na silang kumain ay siya na lang ang magpapainit sa pagkain nila. Sigurado din naman siyang may microwave oven doon. Tatanungin na lang niya ang secretary nito kung nasaan iyon. Sa totoo lang ay hindi maiwasan ni Catherine ang makaramdam ng gulat sa gustong mangyari ni Travis. Sa sinabing nitong kakain silang dalawa ng sabay. Hindi siya makapaniwala na niyaya siya nito na kumain sila ng sabay dahil noon ay halos ayaw nitong makasabay siy

