HUMAWAK si Catherine sa may sink ng matapos siyang sumuka sa loob ng banyo. Gaya na lang ng madalas ay naalimpungatan na lang siya ng madaling araw na hinahakukay ang kanyang tiyan. It was her morning sickness. At kapag natapos naman siyang sumusuka ay pakiramdam niya ay naghihina siya.
Saglit naman si Catherine na nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagmumog siya. Naghilamos din siya ng mukha at saka siya lumabas ng banyo.
Napaupo siya sa gilid ng kama at saka niya hinaplos ang kanyang tiyan. Hindi pa masyado halata ang umbok ng kanyang tiyan pero sigurado siya na lilipas ang ilang linggo ay unti-unti na ding lalaki ang kanyang tiyan.
Masuyo niyang hinaplos iyon. "Huwag mong masyadong pahirapan si Mommy, baby, ha? Wala kasi tayong katuwang," kausap ni Catherine sa baby na nasa sinapupunan niya. "Mag-isa lang si Mommy," dagdag pa niya.
Dahil napapadalas ang pagsuka niya ng madaling araw ay napag-desisyonan niyang pumunta sa OB Gyne para magpa-check up. Baka kasi hindi niya hiyang ang vitamins na binigay sa kanya noong huling check up niya. Aalis siguro siya pagkaalis ni Travis para pumasok sa opisina. Gusto naman niyang magpasama kay Travis pero hindi na lang siya sumubok dahil alam niyang hindi siya nito sasamahan. Baka makarinig pa siya ng masasakit na salita galing dito. At ayaw ni Catherine na dagdagan ang sakit na nararamdaman niya kapag nakarinig pa siya ng masasakit na salita galing dito.
Hindi nga din niya napigilan ang mapakurap-kurap ng maramdaman ang pamamasa ng mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Naalala naman niya si Travis, lalo na ang naging pag-uusap nila kagabi. Matapos siya nitong talikuran ng sabihin nito sa kanya na huwag niyang dalhin si Brad sa bahay nito ay hindi na niya itong muling nakita pa.
Mukhang hindi na ito lumabas ng kwarto nito. Hindi nga niya alam kung kumain ba ito o hindi. Hindi na din kasi siya lumabas ng kwarto. Dinalhan na nga lang din siya ni Lily ng pagkain sa loob ng kwarto niya.
Napatingin si Catherine sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. Nakita niyang alas sinko na ng umaga.
Gusto sana niyang bumalik mula sa pagtulog pero alam niya sa sarili niya na hindi na siya makakabalik mula sa pagkatulog kaya naisipan na lang niyang lumabas ng kwarto.
Napatingin naman siya sa nakasarang pinto sa kwarto ni Travis. Sigurado siyang tulog pa ito dahil hindi naman iyon ang usual na gising nito.
Inalis na niya ang tingin doon at nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang sa makarating si Catherine sa kusina. Nadatnan naman niya doon sina Lily at dalawang kasambahan ni Travis na abala sa pagluluto ng almusal.
"Good morning, Ma'am Catherine," bati ni Lily nang mapansin nito ang presensiya niya.
"Good morning, Lily," ganting bati din niya dito.
"Do you want anything, Ma'am Catherine? Coffee or water?" alok nito sa kanya mayamaya.
"Milk will do, Lily. Coffee is not good for my health," wika niya habang hinahaplos niya ang tiyan.
"Pasensiya na, Ma'am. Nakalimutan ko," paghingi nito ng paunmanhin.
Ngumiti lang naman si Catherine. "No worries, Lily," sagot niya sa babae.
"Ipagtitimpla ko na kayo ng gatas niyo," wika nito sa kanya.
Naupo naman siya sa stool habang hinihintay niya si Lily na matapos ito sa pagtimpla sa gatas niya. "Thank you," wika naman niya ng ilapag nito sa harap niya ang baso na may lamang mainit na gatas.
Isang ngiti lang naman ang isinagot ni Lily sa kanya. Tahimik lang siyang sumisimsim sa gatas niya habang pinapanuod niya ang mga ito sa pagluluto. Mabuti na nga lang at hindi siya nasusuka sa amoy ng niluluto ng mga ito. At habang nakatingin siya sa mga ito ay may naisip siyang ideya.
Bumaba siya sa stool at saka niya tinawag ang atensiyon ni Lily. "Yes, Ma'am?"
"Lily, may mga ingredients ba tayo sa fridge para sa adobo?" tanong niya dito.
"Yes, Ma'am Catherine," sagot naman nito sa kanya.
"Gusto kong magluto ng adobo," wika niya.
"Cravings?" tanong nito sa kanya.
Isang ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Inilabas naman ni Lily ang mga kailangan niya sa pagluluto sa adobo. "Iyong cravings mo paborito ni Sir Travis," komento nito sa kanya ng ilapag nito ang mga kailangan sa harap niya.
Kinagat naman ni Catherine ang ibabang labi sa sinabi nito. "It's for Travis," sagot niya kay Lily.
Magluluto siya ng adobo hindi dahil nagki-crave siya doon. Kung hindi balak niyang lutuan si Travis niyon. Alam niyang paborito nito iyon dahil kay Lianne. Madalas kasi itong mag-request sa kanya na lutuan niya ito ng adobo dahil paborito daw iyon ni Travis. At ibibigay daw nito sa lalaki. At hindi lang adobo ang madalas na i-request ni Lianne sa kanya na iluto, minsan ay pati na din bulalo.
Sa kanilang dalawa kasi ni Lianne ay mas maalam siya pagdating sa pagluluto dahil nag-aral siya ng culinary arts. Balak kasi niyang magpatayo ng sarili niyang restaurant, kahit na iyong maliit lang. At si Lianne ay walang kaalam-alam pagdating sa pagluluto.
"Since nagluto na kayo ng breakfast. Para sa lunch na niya ito," wika niya kay Lily. "And please, huwag niyong sabihin na ako ang nagluto dahil baka hindi niya kainin," sagot pa niya.
Tumango na lang naman si Lily bilang sagot. At sa sumunod na sandali ay abala na si Catherine sa pagluluto. Ginigisa niya ang kailangan niyang igisa ng makusot ang ilong niya dahil hindi niya gusto ang amoy ng bawang. Naduduwal pa nga siya.
"Ma'am Catherine, okay lang kayo?" tanong ni Lily, mukhang napansin siya nito.
"Ayoko lang ng amoy ng ginigisa ko," sagot niya.
"Ako na lang ang magtatapos--
"Okay lang, Lily," sagot naman niya. Tiniis naman ni Catherine ang amoy hanggang sa mag-subside ang amoy ng garlic ng ihalo na niya ang ibang ingredients.
At hindi naman nagtagal tapos na din siya sa pagluluto. Humingi siya ng container na paglalagyan niya ng niluto niya para mabaon ni Travis.
Napangiti naman s Catherine nang makita ang kinalabasan ng niluto niya. Talagang maganda din ang plating niya sa container.
Nilagay na niya iyon sa paperbag. "Aakyat muna ako sa kwarto, Lily," paalam niya. Naisip kasi niya na baka bumaba na si Travis at makita pa siya nito doon. Baka sumama pa ang araw nito. "Kapag papasok na siya sa trabaho ay pakibigay na lang ito sa kanya," wika niya sa inihanda niya.
Nang tumango ito ay lumabas na siya ng kusina. Umakyat ulit siya sa pangalawang palapag kung saan matatagpuan ang kwarto niya.
Nagpahinga lang si Catherine saglit at saka siya pumasok sa banyo para maligo. Maghahanda na din kasi siya para umalis. Kailangan niyang magpunta sa OB Gyne niya.
Hindi naman siya masyado nagtagal sa paliligo. Dahil nang matapos ay agad siyang nagbihis. Simpleng off-shoulder dress naman ang isinuot niya. Hinayaan din niyang nakalugay ang mahabang buhok ng matuyo iyon pagkatapos niyang i-blower.
Tanging lipstick lang naman ang inilagay niya na kolorete sa mukha niya. Hindi naman kasi siya madalas mag-make up. Kapag may okasyon lang.
Tapos na siya pero nanatili muna siya sa kwarto niya. Hinihintay kasi niya na makaalis si Travis ng bahay.
At makalipas ng ilang oras ay lumabas na siya dahil alam niyang nakaalis na si Travis ng masilip niya ang kotse nito na lumabas ng gate. Nagpunta ulit siya sa kusina para magpaalam kay Lily. Pero pagdating niya doon ay tumuon ang tingin niya sa paperbag na nakalapag sa ibabaw ng dining table. Ang paperbag na iyon ay ang pinaglagyan niya ng pagkaing niluto niya para kay Travis.
At habang nakatingin siya doon ay parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya dahil nakaramdam iyon ng bahagyang sakit.
Nalaman ba ni Travis na siya ang nagluto kaya hindi nito dinala?
"Oh, Ma'am Catherine."
Inalis niya ang tingin paper bag at inilipat niya iyon kay Lily nang marinig niya ang boses nito na tinawag ang pangalan niya.
"U-umalis na si T-travis?" tanong niya.
Tumango naman ito. Napatingin muli siya sa paperbag. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang mababakas ang lungkot doon.
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagsunod ni Lily sa tinitingnan niya.
"Mukhang nakalimutan ni Sir Travis na dalhin ang baon niya," wika ni Lily.
Sa isang iglap ay nawala ang sakit na bumalatay sa mga mata niya. Tumingin siya dito. "Nakalimutan?"
Saglit na hindi nagsalita si Lily pero mayamaya ay tumango ito bilang sagot.
"I'm going outside, Lily. Dadalhin ko na lang din ito para idaan sa opisina ni Travis," wika niya.
Hindi naman siya magpapakita kay Travis. I-aabot lang niya iyon siguro sa secretary nito at saka aalis na agad siya.
"T-teka lang, Ma'am Catherine. U-uutusan ko na lang si Damien na ihatid iyan kay Sir--
"Ako na, Lily. Madadaanan ko din naman ang opisina ni Travis sa pupuntahan ko," putol niya sa sasabihin nito.
Napansin niya ang pagbuka-sara sa labi ni Lily. Parang may gusto itong sabihin pero pinili na lang nitong itikom ang bibig.
"Mauna na ako, Lily," paalam niya.
Hindi na ito hinintay ni Catherine na magsalita. Yakap-yakap niya ang paperbag ng lumabas siya ng kusina.