SAKTONG natapos sila ni Tita Grace sa pag-aayos sa mesa nang pumasok si Travis sa dining area. Pinagdikit ni Catherine ang ibabang labi nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Mukhang napilitin itong bumaba para sabayan silang kumain ng dinner. Inutusan kasi ni Tita Grace si Lily na tawagin na si Travis nang matapos silang magluto na dalawa. Silang dalawa ang nagluto ni Tita Grace ng dinner dahil niyaya siya nito. "Akala ko hindi ka pa bababa, Travis," wika naman ni Tita Grace sa anak nito ng tuluyan nakapasok ito sa loob. Wala naman siyang narinig na sagot mula kay Travis. At sa halip na mag-angat din ng tingin ay nanatiling nakayuko si Catherine habang inaayos ang mesa. "Take a sit, Travis and Catherine," wika naman ng Tita Grace sa kanilang dala

