NANG matapos si Catherine na makapagbihis at makapag-ayos ay kinuha na niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table at inilagay niya iyon sa loob ng sling bag niya. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto at dere-deretso siyang naglakad pababa ng hagdan. Bago umalis ay dumaan muna siya sa kusina para magpaalam kina Lily, baka kasi hanapin siya ng mga ito kapag umalis siya ng hindi nagpapaalam. "Oh, Ma'am Catherine," wika nito sa kanya nang makita siyang pumasok sa loob ng kusina "Aalis ka?" tanong nito nang makita din na bihis na bihis siya. Nakangiting tumango naman si Catherine bilang sagot. "Oo, Lily. Magkikita kasi kami ng kaibigan ko," sagot niya dito. "At sa labas na din ako magla-lunch. Huwag niyo na akong lutuan," dagdag pa na wika niya. Baka kasi lutuan pa siya n

