NAGMULAT si Catherine ng mga mata ng makaramdam siya ng pagkagutom. At nang silipin niya ang oras sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table ay nakita niyang maghahating gabi na. Pinakiramdaman naman ni Catherine ang kanyang tabi. At base sa mahinang paghilik nito ay mukhang mahimbing na itong natutulog. Dahan-dahan naman siyang bumangon mula sa paglakahiga niya sa kama. Saglit nga niyang binalingan si Travis sa kanyang tabi bago siya tuluyang bumaba ng kama. Dahan-dahan siyang naglakad para hindi magising si Travis at saka siya tuluyan lumabas ng kwarto at bumaba mula sa pangalawang palapag ng mansion. Dumiretso siya sa kusina para maghanap ng pwede niyang kainin ng sandaling iyon. Pagkarating nga niya doon ay agad siyang lumapit sa fridge at binuksan. Naghanap siya ng pwede

