"YOU can do this, Catherine," wika niya sa sarili habang nakatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin ng sandaling iyon na nasa loob ng kwarto niya. Ngayong araw kasi ang unang trabaho ni Catherine bilang bagong CEO ng kompanya ng ama. Sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil wala siyang alam tungkol sa pagpapatakbo sa malaking kompanya. Hindi kasi siya sanay na papers o dokumento ang hawak. Sanay siyang kutsilyo at sandok ang hawak niya dahil iyon ang expertise niya. May negosyo din siyang hinahawakan, pero maliit lang naman iyon kumpara sa negosyo ng ama na marami ang umaasa. Medyo nababawasan lang ang kaba niya dahil nangako sa kanya si Travis na iga-guide siya nito na pamahalaan ang kompanya ng ama. And speaking of him, bigla niyang naalala ang nangyari noong nakaraang araw n

