NAGISING si Catherine ng malalim na gabi na kumakalam ang sikmura niya. Kaya dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Nag-iingat na huwag magising si Travis na siyang katabi niya sa kama. Tumingin nga siya dito nang tuluyang siyang makabangon mula sa pagkakahiga niya. Nakita niyang ang himbing ng tulog nito, napansin nga din niya na lumihis ang kumot sa katawan nito kaya lumapit siya sa kabilang side para ayusin ang kumot sa katawan nito. Mayamaya ay napatigil si Catherine ng gumalaw ito, inakala niya ay magigising ito, hindi pala. Iiba lang ito ng posisyon. Muli niyang ipinagpatuloy ang pag-ayos ng kumot sa katawan nito. Saglit siyang tumitig dito hanggang sa humakbang siya palabas ng kwarto. Madilim na sa labas kaya binuksan niya ang ilaw. Bumaba naman siya ng hadgan

