NAPATIGIL si Catherine sa pagpupunas ng mahabang buhok nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone. Ibinaba niya sa kandungan ang hawak na tuwalya at saka niya kinuha ang cellphone na tumutunog sa ibabaw ng bedside table. At nang tingnan niya ang screen ng cellphone ay nakita niya na ang Mama Cathleya ang tumatawag sa kanya. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello, Ma?" "Catherine," banggit ng Mama niya sa pangalan niya. "Napatawag po kayo?" tanong ni Catherine dito sa dahilan kung bakit ito napatawag. "Bibisitahin namin kayo diyan, Catherine." Namilog naman ang mga mata ni Catherine sa narinig na sinabi ng Mama niya. "Po?" "Your father and I will visit you and your husband there, Catherine." Hindi naman napigilan ni Catherine ang pagkabog ng dibdib. "K-k

