"f**k!" Napamura si Travis ng napagpasyahan niyang magmulat ng kanyang mga mata. Kahit na anong gawin kasi niya ay hindi pa din siya dalawin ng antok. At sa tuwing ipipikit ni Travis ang mga mata ay ang mukha ni Catherine ang nakikita niya. Ang mga mata nitong bakas ang sakit at lungkot ng pinupunasan nito ang nahulog nitong ultrasound ng magulat ito ng marinig nito ang boses niya. Ang namumulang mga mata nito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. Ang takot sa mga mata nito habang magkahinang ang mga mata nila. At kahit na anong gawin niyang pagpipigil sa sarili na i-alis iyon sa isipan ay hindi pa din iyon maalis sa isip niya dahilan para hindi siya makatulog. At kahit na mulat ang mga mata ay iyon pa din ang nakikita niya. At hindi maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ni Travis n

