KATATAPOS lang ni Catherine magbihis nang tumunog ang ringtone ng cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama niya. Humakbang naman siya do'n para kunin ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At nang makita ni Catherine na ang Mama niya ang tumatawag sa kanya ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "Hello, Ma?" "Catherine," wika naman nito sa kanya. "Bakit po?" "Travis just called." Kinagat naman ni Catherine ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng puso ng marinig niya ang pangalan na binanggit ng Mama niya. Pero mabilis naman niyang sinaway ang puso. Hindi naman siya nagsalita, hinintay lang niya na magpatuloy sa pagsasalita ang Mama niya. "Sinabi niyang sasama siya sa 'yo sa meeting mo with the board," wika ng Mama niya sa kanya. "Sa a

