STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #36// "ONE week," sabi ni Jet kay Xander. Napahilamos siya sa mukha niya. He can feel desperation seeping from his pores. "She's going to kill me." "Yeah, if she finds out. But the thing is, she won't so don't worry." Nagawa pa siyang kindatan ni Xander. Hindi naman napanatag ang loob niya at napapunta siya sa may veranda at sinilip ang kwarto nila Zoe. Wala naman siyang makita kundi ang bukas nitong ilaw sa loob. "She will be so mad." "Well... do you want her to stay or not?" He sighs. Isang linggo. Isang linggo na lang ang natitira bago nila pasabugin ang bomba na gugulo na naman sa buhay nilang dalawa. "Sick commercial, by the way," pagtawa ni Xander sa kaniya mula sa kinauupuan nito sa harap ng TV sa kanilang salas. "I ne

