STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #12// DAYS passed. Ginawa nilang dahilan ang academics para hindi sila masyadong lumabas. Friday ngayon at nag-aaral si Zoe para sa isang quiz niya sa Lunes. Busy din naman si Jet sa training kaya wala talaga silang oras. Sabay silang kumakain paminsan at magkatabi pa din sa mga klase pero pareho silang nakikinig sa propesor. "Zoe, come watch with us," tawag sa kaniya ni Mira mula sa sahig. Manonood kasi ang mga ito ng palabas sa laptop. "Maybe next time," she politely declines. Sa mga panahon na ganito walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa mga libre niyang oras. Mamaya ay may ipagawa na naman sa kanilang dalawa ni Jet at mawala siya ng panahon para sa pag-aaral niya. Nagpatay sila ng ilaw sa kwarto dahil nakabukas nama

