STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #42// JET and Zoe fell asleep together in one bed. For the first time in so long it finally felt right to sleep next to each other. Pero hindi ganoong ka-right. At dahil nasa bahay pa din sila ng mga magulang ni Zoe, isa sa mga ito ang gumising sa kanila. Mabuti na nga lang at ang daddy ni Zoe ang pumasok ng kwarto at pumindot-pindot sa paa ni Zoe para magising ito. Mabilis namang naalimpungatan ang babae nang hindi matigil ang paggalaw sa kaniyang paa at sinilip kung sino ito. "Dad," she groans and buries her head in the pillows. Ayun nga lang, hindi sa mga unan sumiksik ang ulo niya. Bigla siyang napabangon sa pamilyar na amoy ng pabango ni Jet at inalog ang lalakeng natutulog sa kaniyang tabi. Heto na naman po kami. Para si

