STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #47// Dalawang linggong buo din nanahimik ang buhay nilang lahat. Hanggang sa birthday na ng kambal at nagrenta sila ng isa sa pinakakilalang bar sa Middle. Malaki ang lugar at may pool sa loob. Nasa labas ka palang maririnig mo na ang matinding bass na parang niyayanig ang buong lugar. By invitation lamang ang pagpasok sa loob at ang invite na ito ay isang email na may barcode na inii-scan. Mukhang sinigurado kasi ni Xander na walang outsider ang makakapasok sa loob—oh well, si White Horse lang naman ang hindi niya gustong imbitahin. Magkasamang pumunta si Jet at Zoe. Summer ang attire kahit na matagal nang nagtago ang araw. May mga iba't ibang kulay ng spotlight na sumasayaw sa kalangitan. Madami nang tao nang makarating sila.

