STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #19// BUONG maghapon, hindi na nagpakita si Jet sa loob ng campus. Pumasok na lang din siya sa kaniyang afternoon class at wala namang naglakas ng loob na kumausap kay Zoe. Kahit pagbalik niya ng dorm ay natatahimik ang kaniyang mga kasama at pilit na sinusubukang mag-usap nang hindi nagtatanong sa kung anong nangyayari sa relasyon ni Zoe at Jet. Pero pagsapit ng alas-nuebe ng gabi ay tinawagan na niya si Xavier. "Where is he?" tanong niya dito. "He's not here. Maybe he's in his condo?" Mabilis siyang bumangon at sinuot ang jogging pants na unang nahagip ng kaniyang kamay. Bukas pa ang mga gate at lumusot lang siya sa isa sa mga guard. Nakakuha naman siya agad ng taxi gamit ang isang application sa phone niya. Kinabahan siya n

