Kinabukasan madilim pa ako gumising. Para maghanda kasi maaga pa ang alis namin ngayun kaya lahat kami gising na inayos ko sa basket ang mga pagkain namin na dadalahin. Pagkatapos kung ihanda ang lahat, naligo na ako at inayusan na nila. Kulay pink na damit ang napili nila tinirintas nila ang buhok ko ng ishan ng matapos kami hinatid kami nila Ginang Sun sa Palasyo ng Hari dun kasi magkikita kita. Pagdating namin dun, Nandun na ang lahat maraming karwahe ang naka antabay naka handa narin ang mga kawal nakita ko na kausap ng Empress ang Inang Reyna. "Lady dito po kayo sasakay." Sabi ni General Ren saka nauna na sa amin papunta sa isang karwahe. Inalalayan niya akong sumakay dito. "Ipasok niyo na ang mga dala nila." Sabi niya kayla Ginoong Ding kaya pinasok na nila ang mga dalahin namin

