totoo yun naniniwala ako dun kaya nga naglagay ako ng ilang piraso na halaman sa may terace ng Condo ko para may buhay naman ang Condo. "Tama ka" Sangayon ko sa sinabi niya. "Lady luto na ang ulam, kakain ba kayo?" Sabi ni Ginang Sun. Saka ko lang naisip na hindi ko nga pala siya napapasok sa bahay. "Naku hindi pala kita napapasok at naalok man lang ng tea." Sabi ko. Saka napakamot ako sa ulo ko. Na tawa siya. "Ayos lang nalibang kasi tayo sa kakatingin sa mga halaman na pinapasok nila." Sabi niya sa akin. "Ahm..gusto mo dito kana kumain ng tanghalian bilang pasasalamat ko sa binigay mo." Nahihiya kong sabi sa kanya.nagliwanag ang mukha niya. "Sige ba. Gusto ko din naman na makasalo ka kumain." Sabi nito kaya niyaya ko na siya pumasok, dumeretso kami sa balkonahe at dun ko siya p

