"Shujie naiilang ka ba sa akin.?" Sabi ko dito. Kasalukuyang nasa balkonahe kami ng bahay nila. Magkakasama kami ng mga kapatid ko, si tita at si Ina nasa kusina nagtutulong para magluto ng tanghalian namin. Si ama naman ay kausap ni General Ren. Kasi ng malaman ng Kamahalan na lalabas ako ng Palasyo hindi ito pumayag na hindi ko isasama ang General. Nagpadala ito ng sulat sa akin. Hindi daw siya makapunta sa akin dahil abala daw ito sa pagpupulong may mga importante daw silang pinaguusapan kaya gustuhin man daw niyang samahan ako hindi daw pwede. Kaya wala akong na gawa. Nagpadala na lang din ako ng sulat na nagsasabi na naiintindihan ko siya. "Nahihiya siya sayo ate dahil sa mga ginawa niya sayo." Sabi uli ng pangalawang kapatid ko. Ngumiti ako dito. "Wag mo ng isipin ang nakaraan

