Pinuntahan ka muna niya dito sa silid mo bago siya nagpaalam sa amin." Sabi ni abay Han. Binaba ko ang bulaklak sa lamesa at naupo na ako sa bangko saka nagsimulang kumain. "Alalang alala sayo ang Kamahalan Lady Shoe. Nakita namin yun sa kanya. Hindi na siya kagaya noon." Sabi uli nito. Hindi ako umimik nagpatuloy lang ako sa pagkain, siya naman hiniwa ang hinog na mangga. "Galit ka parin ba sa Kamahalan Lady Shoe?" Tanong niya sa akin. Natigilan ako pinakiramdan ko ang sarili ko. Wala na akong nararamdaman na galit dito kaya umiling ako. Nanlaki ang mata ni abay Han sa sagot ko. "Talaga! Lady Shoe? Siguradong matutuwa ang Kamahalan pag nalaman niya yan." Sabi nito. Kaya napa tingin ako sa kanya na nagtataka. "Bakit? Mahalaga ba sa kanya ang nararamdaman ko? Sa tingin ko wala yun sa k

