Mabilis na tumawag si Daisy ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na bar. Hindi niya ugali na uminom pero for sure na hindi na naman uuwi ng bahay ang asawa niya. Kaya sa halip na mag-iiyak na naman siya mag-isa sa apat na sulok ng kwarto nilang mag-asawa ay lilibangin na lang niya ang sarili. Ang sabi niya sarili niya maglilibang at magpapalipas ng sama ng loob. Pero sadya yatang malupit ang mundo sa kanya ng gabi na iyon. Pag-upo na pag-upo palang niya sa loob ng bar ay siyang simula ng malungkot at masakit na kanta na siyang nagpatulo ng mga luha niya. Ang awitin na GUSTO KO NANG BUMITAW song by Morissette. Nang may lumapit na waiter sa kanya ay basta umorder siya ng alak. Hindi naman nagtagal ay dumating ang order niya. Tila parang ulan ng mga luha niya na walang tigil sa pagbuhos. Na

