Iyan ba ang sinasabi mo na hindi niya mahal ang asawa niya? Nakita mo naman kung gaano kadilim ang mukha ng attorney Martin Harris na 'yon sa sobrang galit dahil sa selos niya sa 'yo," wika ng kaibigan ni George sa kanya, matapos nila masaksihan kung paano kalupit ang ginawang paghila ni Martin sa asawa nang makita nito na nakikipag-usap si Daisy sa kanya. George hissed. Wala siyang pakialam sa Martin Harris na iyon, isang bagay lang ang laman ng isip niya, at iyon ay kung paano makukuha si Daisy mula sa kamay ng asawa nito. Nang makita niya ito na lumuluha, pakiramdam niya ay dala-dala na rin niya ang bigat ng sama ng loob ng dalaga. One step closer na siya rito, nakakapanghinayang lang talaga at ni hindi niya nagawang makipag-usap pa dito ng matagal dahil sa pagsulpot ng asawa nito. Pero

