Magdalene[14]

1912 Words
"Marya, tumigil ka nga sa kakasayaw mo! Prusisyon 'yan hindi Disco!" saway ko sa babae. Rinig na rinig namin mula dito sa loob ang ingay ng prusisyon. Kaya itong si Marya ay sinasabayan ang tugtog na para bang pakiwari nito ay nasa discohan siya kung makakembot! "Ang KJ mo kaibigan, ang saya ng tugtog eh." "Gusto mo ikaw 'yong ipalit ko do'n sa Santo?" pagbabanta ko. Napasimangot naman si Marya at pabagsak na umupo sa kaharap na upuan at pinili na lamang nitong manood. Nakabukas kasi ang pinto namin kaya kitang-kita ang maraming tao na naglilibot sa buong baryo. Napamulagat naman ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Masyado akong naka-focus sa prusisyon kaya nagulat ako nang tumunog iyon. Kinuha ko ang cellphone na nasa lamesa at nakita ko na naman ang isang text message na galing sa hindi ko kilalang tao. Mahigit isang buwan na ring nagpapadala ng life quotes ang misteryosong texter ko. Puros mga quotes ang ipinapadala nito sa akin. Walang palya iyon at araw-araw. Hindi ko naman magawang e-block 'yong number dahil somehow ay naaaliw ako sa mga sinesend nito. "Ay? Ang aga-aga Lena ha? Nakangiti ka na agad diyan? Nag-text na naman 'yong textmate mo no?" pang-aalaska ni Marya sa akin. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako dahil sa mensahe nito at nahuli nga ako ni Marya na mukhang tangang nakangiti lamang sa kawalan. "Naku, malala ka na friend." Umiling-iling si Marya at natawa naman ako sa sinabi nito. "Alam mo ikaw? Ang hilig mo magbigay ng motibo. Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako sa mga quotes niya?" sambit ko. "Sus Lena! Sa gan'yan nagsimula ang lolo't-lola ko kaya hindi mo ako maloloko," sagot pa nito. "Kung makangiti ka naman diyan para kang kinikilig eh. Nakakaawa ka friend, hanggang textmate na lang lovelife mo." "Anong lovelife? Ewan ko sa'yo! Anong oras na ba? Kailangan na ata tayo sa simbahan." Napakibit-balikat si Marya sa itinanong ko at tiningnan ko na lang ang oras na nasa cellphone. Alas-otso pa lang naman at mamayang alas-diyes pa kami pupunta sa simbahan. Matapos kasi no'ng pagpunta namin sa Sitio Mercedes ay humingi ng tulong si Father Lucho sa amin. Kung pwede ba raw naming tulungan ang simbahan sa paghahanda sa fiesta. Ang gaga namang si Marya ay agad um-oo na hindi pa ako nakakausap kaya obligado tuloy kami ngayon na magpunta kahit ayaw ko naman talaga. May iniiwasan kasi akong tao at hindi makakabuti sa akin kung patuloy ko pa siyang makita. "Kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka kasi um-oo ay hindi sana tayo ma-oobliga ngayon." Inirapan ko ang kaibigan na ngayon ay prente ng nakaupo sa kaharap na upuan. "Sorry naman, nakakahiya kasi huminde kay Father." Hindi ko na lang pinansin si Marya at napagpasiyahan ko na lamang na ihanda ang mga gamit ko. Ihahanda ko rin 'yong susuotin ko at mukhang mamomroblema pa ako dahil wala naman akong angkop na damit para sa ganitong okasyon. Problemado kong hinalukay ang mga luma kong damit dito sa kabinet. Umaasa kasi ako na makakita ng kahit na isang bestida na babagay sa fiesta. Baka kasi kapag nagbihis na naman kami ng hindi angkop sa panlasa ng mga taga-baryo ay pagdiskitahan kami ng mga tao at sasabihin na naman nilang wala kaming mga delikadesa. Hindi naman ako bigo sa paghahanap nang makakita ako ng isang kulay rosas na bestida. Lampas tuhod ang haba niyon at pa-off shoulder ang design. Flowy ang tela na sumasabay sa hangin kapag nahahanginan. Maganda ang disenyo ng bestida kaya nagtaka ako kung kanino 'to. Nakasilid kasi siya sa isang maliit na bayong na lagayan ng mga damit noon. Nakatupi ng maayos iyon na parang sinadya na talagang ilagay sa damitan ko. "Regalo ko iyan sa'yo." Nagulat naman ako nang may magsalita sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko naman si Mother Lily na nakasandal sa may pinto ko habang tinitingnan ako. "Mother? Kanina ka pa riyan?" gulat kong tanong sa kan'ya. Umiling si Mother at dahan-dahan itong naglakad sa kinaroroonan ko. Nakaupo lang ako sa sahig habang nasa kandungan ko naman 'yong kulay rosas na bestida. "Bakit mo ako binilhan ng ganito?" tanong ko. "Bakit naman hindi? Ang ganda-ganda mo kapag nakasuot ka ng bestida kaya no'ng nakita ko iyan sa kabisera ay binili ko na para sa'yo," sagot naman nito sa akin. May konting galak akong naramdaman sa puso ko nang marinig ko iyon. Madalang kasi ako makatanggap ng regalo at napakalaking bagay na para sa akin ang ganito. Tapos si Mother pa ang nagbigay sa akin pakiramdam ko ay para na ring si mama 'yong nagbigay ng regalo. "Salamat po," paiyak kong ani. "Ano ka ba Lena, maliit na bagay lang 'yan. Asahan mo at marami pang susunod." Marahan nitong hinaplos ang buhok ko at napatango naman ako. "Binilhan ko nga rin 'yong si Marya. Nalaman ko rin kasi na pupunta pala kayo sa kapilya upang tulungan si Father." "Salamat naman at mukhang may matinong masusuot ang isang iyon." "Ayon nga, nagpapadyak 'yon ngayon dahil ayaw niya na raw magsuot ng bestida. Nagbabalak magsuot ng crop top si Marya mabuti na lang at nabilhan ko talaga," problemadong wika ni Mother. Nagpang-abot kami ni Marya sa sala at nakabusangot ang kaibigan at mukhang alam ko na kung bakit. Nakasuot kasi si Marya ngayon ng Maroon na bestida na lampas tuhod at nakalugay ang buhok nito na may kulay maroon ding headband. Ang ganda nga niya tingnan sa ayos pero iba talaga ang trip nitong suotin kaya halos hindi na ma-drawing ang pagmumukha nito. "Hoy?! Anong ginagawa mo rito Tiyanak?!" biglang sigaw ni Marya habang nakatuon ang mga mata nito sa may pinto. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko roon si Berto na ayos na ayos din ang pananamit. "Huwag mong sabihing sasama ka naman sa amin?!" gigil na ani ni Marya. Naka-polong puti ang lalaki habang malinis nakaayos ang buhok nito na mukhang kakalagay niya lang ng gel. Nakasuot din ng sapatos si Berto at masasabi kong presentable siyang tingnan ngayon. Mukhang inutusan na naman ni Mother si Berto na bantayan kami. Ayaw niya talaga kaming nalalagi sa labas na wala man lang kasama. "Kung maka-tiyanak ka naman, Marya. Feeling mo naman ikinaganda mo 'yang suot mo!" sagot naman ni Berto na mas lalong nagpa-inis sa kaibigan. "Saan ka ba a-attend ng binyag?" dagdag pa ng lalaki sinamahan pa nito ng mahinang tawa. Buti na lamang ay napigilan ko si Marya ng akmang sugurin nito si Berto. Handa na sana ang kamao nitong dumapo sa mukha ng lalaki kung hindi ko lang nahila ang kamay nito. "Hoy! Magtigil nga kayong dalawa riyan. Alis na tayo," wika ko. Nakita ko pa na parehong napa-irap sa isa't-isa ang dalawa at sumundo naman sa akin si Marya. Nang makalabas ay agad kaming sumakay sa tricycle ni Berto at binaybay na rin namin ang daan papunta sa kapitolyo kung nasaan ang kapilya. Pagkababa namin ay sumalubong sa amin ang napakaraming tao sa labas at loob ng simbahan. Ang dami naman palang tao na pwede silang tulungan. Bakit pa kami naririto ni Marya? "Father, nandito na si Lena!" napalakas na sigaw ni Wakim dahilan kung bakit nakatuon sa amin ang atensyon ngayon ng mga tao. "Hoy, Kakim! Bunganga mo. Huwag mo nang i-announced," si Marya na hanggang ngayon ay hindi pa rin makuha ng tama ang pangalan ng lalaki. As usual, hindi mawawala ang bulungan na naman sa paligid. Nasa may gilid pala si Father at kinakausap si Aling Bonita. "Patay, nandito pala si Aling Bonjing," bulong ni Marya sa akin. "Marya, nasa simbahan tayo. Magtigil ka," saway ko naman. Iniwan ni Father Lucho si Aling Bonita at nakangiting sinalubong ang aming pagdating. Nangingislap pa ang mga mata ng lalaki nang makita kami. "Lena…" si Father. "Kamusta ho?" sagot ko naman. Isang buwan din kami hindi nagkita at hindi na rin kami nagsimba ni Marya. Ewan ko nga kung bakit napasama kami sa ganito eh hindi naman kami active sa activities ng simbahan. "Okay naman. You look… Great!" masayang ani nito nang pasadahan nito ng tingin ang kabuohan ko. Agad naman akong nakaramdam ng hiya nang makita ko ang pagdapo ng tingin nito sa mata ko. Napaiwas ako at agad naman akong nakaramdam ng init sa katawan. Bakit ba ang lagkit niya talagang makatitig sa akin na parang inaangkin niya ako? Muli akong napasulyap sa lalaki at nakasuot si Father ngayon ng khaki na polo at nakapantalon din siya. Nakasuot siya ng puti na sapatos at ang bango niya tingnan. Amoy Johnsons! "Ang daya mo Father, paano naman ako?" Umikot pa si Marya para lang ipakita nito ang suot na bestida. "Ang ganda mo Marya, kakulay mo iyong pantakip namin ng ulam sa loob," pagbibiro naman ni Wakim kay Marya. Napatawa pa kaming lahat at napailing naman si Father sa sinabi ni Wakim. "Halika," bulong ni Father sa akin at hinila ang kamay ko. Nagulat pa ako dahil sa biglaang paghila nito sa akin at kamuntik pa akong masubsob sa lalaki kung hindi ako nakabawi agad. Iniwan namin sa may b****a ng simbahan si Marya at Wakim na nag-uusap habang kami naman ay patungo sa altar. Napabitaw ako sa lalaki nang makarinig ako ng bulungan mula sa mga tao. Bigla na lang akong nanginig nang marinig ang mga sinasabi nila. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Father Lucho at hinila niya pa ako?! "Lena?" tawag nito. Yumuko ako at marahan na naglakad sa likuran ng pari. Hindi ako umimik dahil pakiramdam ko ay binabantayan ng mga taga-baryo lahat ng kilos ko. "Magpapatulong sana ako rito." Itinuro ni Father ang napakaraming bulaklak na dapat ay i-disenyo sa buong simbahan. Kahit na naguguluhan ako kung bakit ako ay dumiretso na lang ako sa pag-aayos ng mga itinuro nitong mga bulaklak. Sumunod naman si Father sa akin at agad naman akong napaatras. "Iniiwasan mo ba ako Lena?" tanong nito. Hindi ba nito gets ang sitwasyon namin? Hindi niya ba nakita kung paano kami pinag-tsismisan kanina? Pari siya tapos nakikipaglapit siya sa isang tulad ko. Babae ako at lalaki siya, sa mata ng tao ay mali ang ganito. Kahit wala naman kaming ginagawa ay magkakaroon pa rin niyan ng malisya sa iba. "Kasi Father, umiiwas lang ako sa tsismis," sagot ko. Napaangat naman ang tingin ko kay Father Lucho na nakakunot na ang noo dahil sa sinabi ko. "I don't get it, bakit naman nila tayo pag-tsi-tsismisan?" litong tanong nito sa akin. Hindi niya ba talaga gets? Hinila ko siya papunta sa akin at napatigil kaming dalawa nang magkadikit na naman ang katawan namin. Ang gusto ko lang naman ay magtago kami rito sa may halamanan upang malayo kami sa mga matanglawin na mga tsismosa pero mukhang napasobra ata ang paghila ko. Seryoso lamang nakatitig sa mga mata ko si Father at nagulat na lang ako nang umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ko. "Mapapatawad ba ako ng Panginoon kung sasabihin kong gusto kita Lena? I miss you so much at mukhang mababaliw na ata ako sa'yo," diretsong wika ni Father Lucho na nagpanginig sa buong katawan ko. Parang dinadaga ang dibdib ko na hindi ko naman kayang bawiin ang titig ko sa mga mata nitong nagsusumamo sa akin. Napalunok ako nang bumaba ang tingin nito sa labi ko. Hahalikan niya ba ako?! Napapikit na lamang ako nang makita kong unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin. Alam kong mali pero hindi ko maiwasang kiligin. Mukhang madadagdagan na naman ata ang kasalanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD