Chapter 33 Sa labas ng opisina ni Taz kung saan nasa labas ang Phantoms at ang North bound Underbosses na nag-aantay sa paglabas ng mga nasa loob ay wala silang mga imik habang nakatuon ang tingin sa dalawang cartier ni Valdemor na di kalayuan na nakatayo sa kanila. Makikita nila ang kakaibang awra ng dalawa, parehas walang emosyon na makita pero ang isa kanila ay tumatawa at nakikipag biruan gamit ang malamig nitong boses samantalang ang isa ay tahimik lang sa kinatatayuan nito na akala mo’y nakikinig sa mga sinasabi ng kasama nito. Tulad ng unang beses na makita nina Paxton si Killdren ay nagtatago ang mukha nito sa isang itim na tela na tanging malalamig nitong mga mata ang tanging makikita. Iisa ang mga nasa isip ng buong Phantoms, ang dalawang cartier na nakikita nila ngayon

