Chapter 57 Matapos ang maingay at masayang kainan sa malawak na garden nina Ayane ay nagpa-alam si Demon at Ayane sa mga kasama nila na may aasikasuhin lang sila kaya naiwan sa garden ang mga kaibigan ni Demon, sina Hale at Mikael na nakikipag-sabayan na ng asaran na ikinatutuwa ng ama at ina ni Ayane. Magkahawak kamay sina Demon na tinatahak ang daan pababa ng dungeon kung saan nanatili si Ichika at ang ina nito na iniwan ng kanilang haligi ng tahanan dahil mas inunan nito ang kaligtasan ng pansarili kaysa sa pamilya nito. Nasisiguro nina Ayane na alam ng mag-ina lahat ng balak ng padre de pamilya nila kaya susubukan nilang kausapin ang dalawa at kahit meron silang hindi pagkaka-unawan at nalaman niyang hindi sila magka-dugo ay kahit papaano ay naging parte na ito ng pamilya ni

